Manny Pacquiao, pang-walo sa Forbes ‘Highest Paid Athletes of the Decade’

Imahe mula sa Twitter | Showtime Boxing
  • Pang-walo ang boksingerong si Manny Pacquiao sa listahan ng Highest Paid Athletes of the Decade na inilabas ng Forbes
  • Kumita raw si Pacquiao ng $435 million
  • Nanguna naman sa listahan ang kapwa niya boksingero na si Floyd Mayweather

Pang-walo si “People’s champ” Manny Pacquiao sa listahan ng “Highest Paid Athletes of the Decade” na inilabas ng Forbes kamakailan.

Ayon sa listahan, ang 25 na pay-per-view na laban ng senator ay kumita ng 20 million buys at $1.3 billion. Dahil dito, umabot ang kaniyang kita sa $435 million.

Imahe mula kay Wendell Alinea | MP Promotions

Ayon sa Philippine Star, sinimulan ni Pacquiao ang dekada sa kaniyang panalo laban kay Joshua Clottey. Nadepensahan niya ang kaniyang WBO welterweight title at kumita ng $6.3 million at $35.3 million pay per views. Kinikilala si Pacquiao bilang isa sa greatest boxers of all time dahil sa record niyang 62 wins (32 knockouts), 7 losses, at 2 draws.

Matatandaang pumangalawa si Pacquiao sa listahan ng pinakamayayamang senador base sa isinumite nilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth noong 2018 (P3,005,808,000). Sumunod lamang siya kay Sen. Cynthia Villar.

Samantala, nanguna naman sa listahan ng Forbes ang kapwa boksingero niyang si Floyd Mayweather na kumita ng $915 million sa nakaraang dekada. Ayon sa Forbes, “Mayweather pocketed more than $500 million combined for his 2015 and 2017 fights versus Manny Pacquiao and Conor McGregor.”

“His run for the money began in earnest in 2006 when he broke free from promoter Top Rank via an opt-out clause in his contract that cost him $750,000 to execute. He soon started his transformation from the “Pretty Boy” moniker of his early career to “Money” Mayweather and began managing his own fights and promoting them through Mayweather Promotions,” sabi ng Forbes.

Imahe mula sa PNA

Pumangalawa naman sa listahan ang football player na si Cristiano Ronaldo na kumita ng $800 million dahil daw sa kaniyang endorsements sa Instagram at Facebook. Sinundan siya ng kapwa football player na si Lionel Messi, ($750 million).

Ang iba pang napabilang sa listahan ay sina LeBron James ($680 million), Roger Federer ($640 million), Tiger Woods ($615 million), Phil Mickelson ($480 million), Kevin Durant ($425 million), at Lewis Hamilton ($400 million).

Loading…