Mas mababang optional retirement age ng government employees, pasado na sa Kamara

  • Aprubado na sa House of Representatives ang panukalang mas maagang optional retirement para sa mga government employees
  • Kapag naisabatas, aamyendahan ng panukala ang Section 13-A ng Republic Act No. 8291 o ang Government Service Insurance Act of 1977
  • Layunin ng panukala na makapag-retiro nang mas maaga ang mga kawani upang ma-enjoy nila ang bunga ng kanilang pinagpaguran sa trabaho

Sa botong unanimous, ipinasa ng House of Representatives sa huli at ikatlong pagbasa ang panuklang batas na naglalayong ibaba sa 56 ang optional retirement age para sa mga kawani ng gobyerno.

Imahe mula sa Politiko

Layunin ng panukala na makapag-retiro nang mas maaga ang mga kawani upang ma-enjoy nila ang bunga ng kanilang pinagpaguran sa trabaho gamit ang kanilang pensyon at retirement benefits.

Isang miyembro ng Minority Bloc, si ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang pangunahing may akda ng House Bill No. 5509  na naglalayong ibaba sa 56 ang umiiral na 60 years old optional retirement age. Kapareho ito ng edad ng pagreretiro ng mga pulis at sundal0.

Paliwanag ni Rep. Castro, ang mga government employees, partikular na ang mga public school teachers, ay hindi na dapat binibigyan ng napakahirap na trabaho sa kanilang propesyon sa sandaling sapitin nila ang edad na 56. “At such stage of their lives, public school teachers should at least be given the choice if they wish to rest from the profession and enjoy better and healthy years ahead,” ani Rep. Castro.

Imahe mula sa House of Representatives of the Philippines

Makatutulong sa bureaucracy ang mas mababang retirement age, ayon kay ko Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., isa sa mga akda ng panukalang batas. “The lower retirement age ultimately helps the bureaucracy, as it hastens the turnover of government positions to younger professionals, making way for infusion of fresh blood in public service,” aniya.

Kapag naisabatas, aamyendahan ng panukala ang Section 13-A ng Republic Act No. 8291 o ang Government Service Insurance Act of 1977.

 

Loading…