‘Matagal ko na ‘tong pinapangarap’: Ethel Booba, sinurpresa ng isang children’s party sa kanyang kaarawan

Imahe mula sa video ni Ethel Booba via YouTube
  • Nasurpresa ang comedienne/singer na si Ethel 0nang maghanda ang boyfriend niyang si Jessie Salazar ng isang children’s party para sa kanyang kaarawan
  • Hindi raw kasi ito naranasan ni Ethel noong bata pa siya
  • Dito na rin ginanap ang gender reveal ng dinadala ni Ethel sa kanyang sinapupunan

Naging masaya at memorable ang pagdiriwang ng ika-43 kaarawan ng comedienne na si Ethel Bo0ba matapos siyang isurpresa ng boyfriend na si Jessie Salazar sa pangarap niyang children’s party. Naging doble rin ang selebrasyon dahil dito na rin ginanap ang gender reveal ng magiging anak nila.

Imahe mula sa Instagram | Ethel Booba

Ayon kay Jessie, tumatak sa kaniya ang usapan nila ni Ethel kung saan sinabi nitong hindi pa niya nararanasan ang isang children’s party.

“Hindi pa siya nagchi-children’s party. Hindi niya naranasan noong bata siya. Kaya nagkutsaba ako ng relatives at saka kaibigan niya. Sana maganda ‘yong kalabasan,” sabi niya sa vlog na ini-upload sa YouTube channel ni Ethel.

Habang kasama ang malapit nang magsilang na si Ethel sa sasakyan ay muling inusisa ni Jessie si Ethel tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan nito noong bata siya. “Talagang noong bata ka, hindi ka nag-children’s party?” tanong ni Jessie.

“Hindi, wala naman akong pang contribute. ‘Yan ba ‘yong may entrance fee?” sabi ni Ethel. Ipinaliwanag ito ni Jessie sa kaniya at sinabi ni Ethel na naranasan niya ito noong wala pa siyang muwang. Sagot naman ni Jessie, iba pa rin daw kung naranasan niya ito sa edad na alam na niya ang nangyayari.

Dito na rin ibinahagi ni Ethel na noon daw kasi ay nagtitinda siya ng plastic, bagoong, at balut.

Sa araw ng surprise party, pinaniwala ni Jessie si Ethel na ang pupuntahan nila ay meeting para sa bago nilang business kaya naman laking gulat ni Ethel nang pamilyar na mga mukha ang sumalubong sa kaniya pagdating niya sa venue.

Imahe mula sa Instagram | Ethel Booba

Matapos ang programa ay nagbigay ng mensahe ang mga mahal sa buhay nina Ethel at Jessie at saka ginanap ang gender reveal kung saan nalaman ng lahat na babae ang magiging anak nila. Nagpasalamat naman si Ethel sa mga dumalo at ibinahagi ang kaniyang birthday wish.

“Thank you so much for coming. Salamat sa effort. Sa pag-coordinate, thank you so much. Magkano kaya ang babayaran ko rito?” biro ni Ethel. “Matagal ko na itong pinapangarap. [Ang wish ko] healthy baby. Sana maging healthy siya.”

Source :

YouTube

Loading…