Maymay Entrata at Edward Barber namudmod ng pamasko sa mga tao sa lansangan

  • MayWard loveteam, namudmod ng regalo sa mga tao sa lansangan
  • Napapatili sa tuwa ang mga tao kapag nakikilala na ang MayWard loveteam na nagbigay ng pamasko sa kanila
  • Matagal umanong pinaghandaan ni Maymay ang araw ng pamamahagi ng aginaldo sa mga tao

Isa si Maymay Entrata sa mga personalidad sa mundo ng showbiz sa bansa na may busilak na puso kaya naman patuloy na namumukadkad ang kanyang career. Napanatili rin ng aktres ang pagiging humble sa kabila ng malalaking tagumpay na tinatamasa niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Maymay Entrata

Madalas sabihin ni Maymay sa mga interview na si Edward, ang ka-loveteam n’ya, ang kanyang kalakasan at nagpapasaya sa kanya. Kailan lang ay muling ipinamalas ng dalawa ang husay sa pagganap sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya.”

Hindi lang sa pinilakang tabing at telebisyon nagbibigay ng saya ang dalawa dahil maging sa tunay na buhay ay naghahatid pa rin ang tambalang MayWard ng ligaya sa mga tao.

Kamakailan lang ay naglibot si Maymay at Edward sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan upang mamudmod ng mga pamasko sa mga taong nakikita nila sa mga lansanagan. Isang van na puno ng food packs ang ipinamahagi nila.

Sa video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita sa mga mukha ng mga taong binigyan nila ng aginaldo ang labis na tuwa at saya na napapatili pa kapag nakikilala nila na ang sakay ng van ay ang MayWard loveteam.

Imahe mula sa Instagram account ni Maymay Entrata

Sinabi ni Maymay na ang araw na iyon ang pinakamasaya niya sa taong 2019. Pinasalamatan din niya ang mga volunteers na tumulong sa pamamahagi ng pamasko.

“Ito ang pinakamasayang araw ng aking buong taon. Sa lahat ng nag-volunteer, tumulong, at nag-ambag para matupad ang kay tagal ko nang pinaghandaan, maraming-maraming salamat po. Nawa’y tuloy-tuloy at marami pang ngiti ang ating maibahagi sa kanila,” ani Maymay sa Instagram post niya.

Narito ang video ng pamamahagi nila ng pamasko sa mga tao sa lansangan. I click ang larawan upang mapanood ang video.

Imahe mula sa Instagram account ni Maymay Entrata
Source :

Instagram, Abante

Loading…