Maymay Entrata, nangibabaw ang ganda sa cover ng Metro Magazine, ayon sa mga netizens

  • “Soaring stunner” raw si PBB Lucky 7 grand winner Maymay Entrata sa latest cover ng Mega Magazine
  • Kasama niya sa naturang cover sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Lovi Poe, Sarah  Lahbati, Maja Salvador, Julia Barretto, Kim Chiu, Megan Young, at Pia Wurtzbach
  • Kayang–kaya raw pasukin ni Maymay ang international modelling kung gugustuhin niya

Simula nang lumabas, makilala, at magwagi sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 si Maymay Entrata, tuloy–tuloy na ang pagrampa niya sa Philippine Showbiz. Tuluyan na nga siyang naging artista at modelo. Lalo pa siyang sumikat sa tambalan nila ni Edward Barber, na kilala sa taguring “MayWard”. Siya rin ang unang Filipina na napasama sa Arab Fashion Week.

Muli na namang pinamangha ni Maymay ang kaniyang mga tagahanga at netizen sa pinakabagong labas na cover ng Mega Magazine, sa pagdiriwang nito ng anibersayo. Star–studded ito dahil kasama niya sa cover ang mga pinaka–maniningning na female celebrity at actress sa Philippine Showbiz tulad nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Lovi Poe, Saral Lahbati, Maja Salvador, Julia Barretto, Kim Chiu, Megan Young, at Pia Wurtzbach.

Imahe mula sa Twitter post ni MJ Felipe

Lahat sila ay puro magaganda at glamorosa sa kani–kanilang style at projection, subalit para sa mga netizen, si Maymay ang pinakanangibabaw dahil sa kakaiba nitong awra sa naturang larawan.

Sabi ng isang Twitter user na namamahala sa official Twitter account ng TNT Boys, “Kathryn and Nadine are gorgeous, they are gems. Lovi and Sarah are extravagant with their own exotic beauty. Maja, Julia, and Kim are glamorous personalities. Megan and Pia are so queenly. Maymay is soaring stunner. She is like a thunderbolt with that eye.

Turan naman ng isa pang Twitter user, kailangan na raw mag–quit ni Maymay sa kaniyang pagiging artista sa local industry dahil mas nababagay siya sa international modelling. “Maymay really needs to quit ABS–CBN acting and take the on world as a model superstar!”

“She can do both acting and modelling, she is good sa acting singing and dancing, actually very versatile siya,” komento naman ng isa pang netizen.

Public Domain Image

Napapanood ang pag–arte ni Maymay sa ilang Kapamilya shows tulad ng “Maalala Mo Kaya”. Napasama rin siya bilang pinsan ni Kathryn Bernardo sa highest–grossing Filipino film of all time na “Hello, Love, Goodbye”. Nakikita rin ang kaniyang pag–indak sa ilang segment ng “ASAP Natin ‘To” at “I Want ASAP”. Sa tamang talento at magandang karakter, tiyak na malayo pa ang mararating ni Maymay.

Loading…