Mayor Isko, nagbabala na uubusin ang mga namemeke ng dokumento sa Recto Avenue

  • Nagbabala si Mayor Isko Moreno laban sa mga namemeke ng dokumento sa Recto Avenue sa Maynila
  • Binalaan din ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar na pinamumugaran ng ilegal na gawain
  • Personal umanong dadakpin ni Mayor Isko ang mga opisyal ng barangay na kumukunsinti sa pamemeke

Dismayado si Manila Mayor Isko Moreno nang malaman na patuloy pa rin ang operasy0n ng mga mapagsamantalang indibwidal na gumagawa ng mga pekeng dokumento sa Recto Avenue sa Lungsod ng Maynila.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Nadiskubre ng alkalde ang patuloy na ilegal na operasy0n sa Recto Avenue matapos mahuli ang isang suspek na nagpapanggap na kawani ng Bureau of Permits ng Lungsod ng Maynila na gumagamit ng pekeng resibo upang makapangl0ko ng mga negosyante.

Inamin ng suspek na sa Recto niya ipinagawa ang pekeng resibo.

“Totoo, Recto? Ginagawa niyo sa’min ‘to? Ay, malilintikan  kayo sa’kin. Miminsanin ko lang kayo. Ayaw niyong tumigil ha. Magtago na kayo,” galit na sambit ng alkalde.

“Pati ngayon, resibo ng gobyerno ng Maynila, ini-emprenta n’yo na. Galit na galit kayo sa magnanakaw sa gobyerno, eh ‘yung mga magnanakaw sa gobyerno, namomorsyento lang. Kayo, kinukuha n’yo na buong kaban,” dagdag pa ni Yorme.

Binalaan din ni Mayor Isko ang mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar na pinamumugaran ng mga namemeke ng dokumento. Aniya,ang patuloy na pananatili ng ilegal na gawain ay nangangahulugan ng pagpayag ng mga barangay officials.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

“Humanda kayo chairman, kayong mga opisyal ‘Yang pananatili niyan, ibig sabihin, pagpayag ninyo,” babala ng mayor na nagsabi pa na siya mismo ang personal nadadakip sa mga tiwaling opisyales ng barangay.

Dahil sa pangyayari, nanawagan ang alkalde sa ilang city government offices na maging mapagsiyasat sa mga resibong natatanggap.

“Kaya ako’y nananawagan sa city treasure officer, Business Permit and Licensing Office, sa assessor, sa license division. Siyasatin ninyo mismo ‘yong resibong binibigay,” panawagan ni Mayor Isko.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Ipinatawag din ni mayor sina Manila P0lice District Director Brig. Gen. Bernabe Balba at Bureau of Permits director Levi Facundo upang pag-usapan ang susunod nilang hakbang na gagawin laban sa mga namemeke ng mga dokumento sa Recto Avenue.

 

Loading…