Mayor Vico Sotto, may pabirong warning sa mga magtatanong kung kailan siya ikakasal

  • Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-officiate si Pasig City Mayor Vico Sotto ng mass wedding
  • Sa social media ay may pabirong babala ang alkalde sa mga magtatanong kung kailan siya ikakasal
  • Inulan ng mga nakatutuwang komento mula sa netizens ang biro ng alkalde

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kasalang bayan na ginanap noong Biyernes, ika-20 ng Disyembre, sa Pasig City Sports Complex kung saan pinag-isang dibdib niya ang 50 couples.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto

Isang pagbati ang pinaabot ni Mayor Vico sa mga ikinasal sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan ibinahagi rin niya ang mga larawan sa naganap na mass wedding. Binanggit rin niya na iyon ang kauna-unahang beses na makapag-officiate ng kasal.

Bukod sa pagbati, isang pabirong babala ang iniwan ng alkalde sa kanyang tweet. Aniya, ang magtatanong kung kailan siya ikakasal ay pagmumultahin ng P500.

“Kasalang Bayan. Congratulations and Best Wishes to the 50 couples who were married this morning. This was my first time officiating a wedding. (Ang magtanong ng, “eh ikaw kailan ka ikakasal?” magmumulta ng 500 pesos),” post ni Mayor Vico sa Twitter.

Tulad ng inaasahan, inulan ng mga nakatutuwang komento ang pabirong warning ni Mayor Vico mula sa kanyang followers na ayaw magmulta ng P500.

Screenshot ng Twitter post ni Mayor Vico Sotto

“Mayor, paano po kung kailan mo ako pakakasalan ang tanong?”

“Oh, sige iba na lang itatanong ko… Kelan tayo magpapakasal?”

“Eh tayo na lang mayor, para walang multa,” 

“Kailan ka magkakajowa, mayor?

Nauna nang kinilig ang mga tagahanga ng alkalde noong December 3 nang kumalat sa social media ang larawan niya kasama ang “Umagang Kay Ganda” host na si Gretchen Ho habang nanonood sila sa PhilSports Arena sa Pasig City ng women’s volleyball match sa Southeast Asian Games.

Inakala ng maraming followers ng dalawa na mayroong namumuong relasyon sa pagitan nila.

Imahe mula sa UAAP NCAA Memes twitter account

Bagaman at walang narinig na anuman mula kay Mayor Vico, sinabi ng kanyang ama na si Vic Sotto na sa pagkakakilala niya sa kanyang anak, wala itong panahon na makipag-date.

Nauna nang nabanggit noon ng alkalde na mas gusto pa niyang matulog kaysa pumasok sa isang relasyon.

“Wala talagang time. ‘Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog or magpahinga na lang,” anang alkalde noong buwan ng Mayo nang tanungin tungkol sa kanyang relationship status.

Loading…