Mga Aeta, may pamaskong kamote para sa mga taga–Baseco sa Maynila

  • May pamaskong handog ang mga Aeta sa Capas, Tarlac para sa mga taga-Baseco compound sa Tondo, Maynila
  • Namigay sila ng tone–toneladang kamote sa 5,000 pamilya sa tulong ng Philippine National Police at Philippine Air Force
  • Hangarin nilang baguhin ang kaisipan ng mga tao na lumuluwas lamang sila sa Maynila tuwing Pasko upang mamalimos

Namigay ng kanilang handog na pamaskong kamote ang mga Aeta mula Capas, Tarlac sa mga taga-Baseco sa Tondo, Maynila upang isakatuparan ang kanilang misyon na pamamahagi ng mga aginaldo ngayong Pasko na naglalayon ding baguhin ang kaisipang lumuluwas lamang sila sa Maynila tuwing Pasko upang mamalimos.

Tone–toneladang mga kamote ang ipinamahagi ng mga Aeta sa may 5,000 pamilya ng Baseco compound na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga residente. Naging matagumpay naman ang pamamahagi sa pagtulong at paggabay ng Philippine National Police at Philippine Air Force.

Imahe mula sa Facebook account ni Roberto Rosales

Nagsuot pa sila ng costume ni Santa Claus habang ibinabahagi sa lahat ng mga taga-Baseco ang kanilang handog na kamote.

Bukod sa mga residente ng Baseco compound, natuwa at nalugod din ang mga netizens sa ipinakitang kabutihan ng mga Aeta.

Sabi ng isa, “Nakakaiyak naman, imbis na sila ang pamaskuhan, sila pa ang nagbigay ng biyaya. Hindi nila ipinagdamot ang kanilang mga ani. Sa mga Aeta ng Capas, Tarlac mabuhay po kayo, sana pagpalain pa kayo ng Diyos!”

“Kudos! What a kind heart to indigenous group of people with their simple ways of helping others. Truly no matter how small or big your help is it became worthy to the community,” ani isa pang netizen.

Komento pa ng isa: “They were taught how to plant, now they are giving back. What a heartwarming act of kindness. Hope the government continue to support them in terms of agriculture and farming.”

Nakatataba rin ng pus0 ang kanilang mensahe para sa kanilang mga binigyan ng pamaskong kamote.

Imahe mula sa Facebook account ni Roberto Rosales

“Kamoteng masustansya handog naming mga Aeta ngayong Pasko. Ang taos pusong pamimigay na may kasamang taimtim na dasal at panalangin ay may halaga na higit pa sa ginto at pilak.”

Isa itong patunay o “eye opener” na hindi lamang pera o mga mamahaling bagay ang maaaring iregalo tuwing Pasko. Ang mahalaga rito, taos sa puso ang pagbibigay sapagkat ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Loading…