Mga kasambahay kailangang makatanggap din ng 13th month pay, ayon sa DOLE

  • Kailangan umanong makatanggap ng 13th month pay ang mga kasambahay ngayong holiday season
  • Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment o DOLE
  • Maaaring maidemanda ang mga employer na hindi susunod o tatalima rito

Ngayong holiday seasons, isa sa mga inaabangan ng mga nagtatrabaho ang iba’t ibang bonuses, partikular ang 13th month pay. Ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwang suweldo ng isang empleyado na walang kaltas o bawas. Karaniwan itong ibinibigay sa mga pribado at pampublikong kompanya o tanggapan.

Public Domain Image

Kaya naman, ipinaalala ng Department of Labor and Employment o DOLE na kailangan ding makatanggap ng 13th month pay ang mga kasambahay. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, itinatakda sa batas ang pagbibigay ng 13th month pay kahit sa mga kasambahay at maaaring idemanda ang sinumang employers na hindi tatalima rito.

Inamin naman ni Bello na walang kapangyarihan ang DOLE na maglabas ng compliance order sa sinumang lalabag dito hangga’t walang kasong naisasampa sa korte. Ipinagpapasalamat na lamang ni Bello na bihira lamang naman daw ang reklamong natatanggap nila hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay.

Ang isang kompanya ay maaaring humingi ng pahintulot para sa exemption lalo na ang mga nasalanta, pero bubusisiin pa daw ito ng DOLE bago payagan.

Makikita sa Artikulo IV Seksyon 25 ng Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay na kailangang makatanggap ng 13th month pay ang mga kasambahay.

Public Domain Image

“SEC 25. Payment of Wages. – Payment of wages shall be made on time directly to the domestic worker to whom they are due in cash at least once a month. The employer, unless allowed by the domestic worker through a written consent, shall make no deductions from the wages other than that which is mandated by law.”

Sa pagpapatuloy: “No employer shall pay the wages of a domestic worker by means of promissory notes, vouchers, coupons, tokens, tickets, chits, or any object other than the cash wage as provided for under this Act. The domestic worker is entitled to a thirteenth month pay as provided for by law.”

Bukod dito, kailangan din niyang makapagtamasa ng iba’t ibang mga benepisyo tulad ng SSS, Pag–IBIG, at PhilHealth.

Loading…