Mga kasambahay sa Metro Manila may dagdag-suweldong P1,500 kada buwan

  • Mga kasambahay sa Metro Manila may P1,500 na dagdag-sweldo kada buwan
  • Mula sa dating P3,500 ay magiging P5,000 a month na ang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila
  • Bukod sa dagdag-suweldo, dapat ding kumpleto sila sa benepisyo gaya ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG

Isang magandang balita ang hatid ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) sa mga household service workers o kasambahay sa Metro Manila matapos aprubahan ang dagdag sa buwanang suweldo ng mga ito.

Imahe mula sa RMN

Simula sa Enero ng susunod na taon ay makukuha na ng mga kasambahay ang dagdag-sahod nila.

Batay sa inaprubahan ng RTWPB-NCR na Wage Order No. NCR-DW-02, ang monthly minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila ay daragdagan ng P1,500 kada buwan upang ang dating P3,500 buwanang sahod ay magiging P5,000 na.

Ang desisyon ng Board na bigyan ng umento ang mga kasambahay ay para sa agarang kaluwagan sa pananalapi upang makaagapay sa tumataas na cost of living sa NCR.

“The Board agreed to provide for wage adjustments for domestic workers with immediate relief measures to manage the rising cost of living,” ayon sa RTWPB-NCR.

Sakop ng wage adjustment ang mga yaya, hardinero, tagaluto at labandera. Hindi kasama ang family driver, mga batang nasa ilalim ng foster family arrangements at mga taong paminsan-minsan lang manilbihan.

Imahe mula sa Saksi Ngayon

Sinabi ng RTWPB-NCR na ang wage order ay inilabas matapos nitong rebisahin ang socio-economic condition sa Metro Manila. Epekto rin ito ng mga konsultasyon at public hearing sa pagitan ng mga employers at household service workers.

Bagama’t itinakda ng wage order ang P5,000 minimum monthly wage, hindi nito pipigilan ang mga kasambahay na humingi ng mas mataas na sahod mula sa kanilang employers.

Ipinaalala naman ni Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment na dapat ay kumpleto rin ang mga benepisyo ng mga kasambahay tulad ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.

 

Imahe mula sa Radyo La Verdad
Source :

Tribune, Philstar

Loading…