Mga lolang todo hataw sa pagsayaw, kinagiliwan sa social media

Imahe mula sa Facebook | Mary Joy Guntan
  • Pinag-uusapan ngayon sa Facebook ang video ng mga sumasayaw na lola
  • Tila hindi kasi nila alintana ang sakit ng katawan sa kanilang paghataw
  • Habang sinusulat ito ay may 3.3 million views, 65k reactions at 116k shares na ito

Tuwing may mga okasyon katulad ng Pasko at Bagong Taon, nakagawian na ng mga pamilya sa bansa ang magsaya kasama ang mga mahal sa buhay. Dahil kilala ang mga Pilipino sa kanilang hilig sa pagkanta, kadalasan ay hindi nawawala sa ganitong mga pagtitipon ang karaoke.

Imahe mula sa Facebook | Mary Joy Guntan

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi sa Facebook ni Mary Joy Tundan noong bisperas ng Pasko. Makikita rito ang isang grupo ng mga lola na tila hindi alintana ang rayuma at sakit ng katawan dahil todo ang hataw nila sa pagsayaw habang ang kanilang kasama ay umaawit ng “Why” ni Tiggy sa karaoke.

Sa simula ng video, na ngayon ay may 3.3 million views, 65k reactions at 116k shares na, ay makikita ang lola na nakadilaw na niyaya ang isa pang kapwa senior citizen na sumayaw saka sabay-sabay na umindak ang tatlo na tila nagsho-showdown pa. Kalaunan ay sinamahan sila ng isa pang lola na hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng kaniyang dancing talent.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Sabi ng isang netizen, nawala raw ang stress niya sa panonood ng video ng mga dancing lola. Si E. Varona, nabitin naman daw sa 1 minute and 7 seconds na video. “Isa pa, isa pa! Nakakabitin naman,” aniya.

Komento naman ni L. Dote, “Ang gagaling naman sumayaw ng mga lola na yan.”

Si Cristy naman, nakikita raw ang sarili sa lola na nakapula dahil katulad niya ay kikay rin ito. Pinuri rin ni E. Andaya ang kasimplehan ng buhay sa probinsya.

Ang ibang netizen, hindi naman maiwasan hilingin na sana ay abutan daw nila ang edad ng mga lola. Si J. Aballe, itinag pa ang kaibigan at sinabing “Ganito sana tayo sa pagtanda natin.” Payo ni J. Damasco, “Enjoy lang ang life while we are still alive. But don’t abuse it.”

Keep on grooving, mga lola!

Source :

Facebook

Loading…