Mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ni “Ursula”, tulong ang hiling para sa Bagong Taon

  • Ang mga magsasaka at mangingisda ay kabilang sa mga pinakamahirap na sektor sa bansa
  • Marami sa kanila ang lubos na naapektuhan ng bagy0ng Ursula
  • Ang hiling nila ay kaunting tulong upang maging masaya ang kanilang Bagong Taon

Kabilang ang maraming magsasaka at mangingisda sa mga lubos na naapektuhan sa mga probinsyang dinaanan ng bagy0ng Ursula kaya ang pinanawagan nila sa pamahalaan ay kaunting tulong para maging masaya ang pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Screenshot mula sa GMA video

Ilan sa mga magsasaka ang nagsabing halos anim na buwan na raw tuyot ang kanilang bukirin dahil sa kawalan ng tubig.

Kaya naman sinasamantala nila ngayon ang pagtatanim ng palay pagkaraan ng pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng Ursula. Subalit ang mga itinanim ay sa buwan pa ng Mayo nila aanihin. Ang idinadalangin nila ay patuloy na pag-ulan, pero huwag naman daw sanang bagy0 ang dumating.

Sa mga panahong hinihintay ang anihan ay naghahanap sila ng mga ibang paraan para kumita tulad ng pangingisda. Ang problema, wala silang magamit na bangka dahil ang mga iyon ay napinsala rin ni “Ursula.”

Ang iba sa kanila ay gumagamit na lang ng lambat para mangisda sa tabing-dagat tulad ni Carlos Amorfina. Aniya, ang nahuhuli niyang mga isda ay pagsasaluhan ng kanilang pamilya at kung maraming huli ay maari raw niya iyong ibenta para magkaroon ng perang pambili ng panghanda sa media noche.

Screenshot mula sa GMA video

Sa kabila ng naranasan, positibo pa ring sasalubungin ng mga residente ng Eastern Samar ang Bagong Taon.

“Pwede na tinapay…pagkasiyahin ng pamilya. Ang hinihiling ko lang ang gobyerno magbigay sa amin kahit kaunti lang,” ani Carlos

Dahil sa kanilang sinapit, ang GMA Kapuso Foundation ay naghatid ng tulong sa mga magsasaka’t mangingisda sa Eastern Samar sa ilalim ng “Operation Bayanihan.” Hinikayat nito ang lahat na nais magbigay ng tulong sa mga nasalanta sa pamamagitan ng pagdedeposito sa mga bank accounts na ibinahagi ng GMA Network.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

YouTube

Loading…