
- Malaking multa at kul0ng ipinanukala laban sa road r
age - Mga kaso ng road r
age sa bansa dumarami - Hanggang 6 na taong pagkakakul0ng at hindi bababa sa P250,000 multa sa mapatutunayang sangkot sa road r
age
Isang panukalang batas ang isinusulong ng mambabatas na may layuning masawata ang dumaraming kaso ng road rage sa bansa.

Nais ni San Jose del Monte City Representative Florida Robes na turuan ng leksyon o disiplinahin ang mga driver na madaling mag-init ang ulo sa kalsada na humantong sa pagiging agresib0 nito laban sa kapwa motorista.
Ang inihain niyang House Bill No. 5759 o ang proposed Anti-Road Rage Act of 2019 ay naglalayong patawan ng parusang pagkakakul0ng at malaking multa ang mga driver na magpapakita ng “hostile” na pag-uugali sa mga kalsada o sa trapiko.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Rep. Robes, narito ang ilang pag-uugali ng mga motorista na saklaw ng depinisyon ng “road rage.”
- paninigaw
- panduduro
- paggamit ng di-kanais-nais na mga salita
- panunugod
- tangkang panunugod
-
Imahe mula sa Facebook page ng Name and Shame Bad Drivers in Hull Kabilang din sa depinisyon ng road r
age ang reckless driving, anumang uri ng pagbabanta at ang paggamit ng puwersa laban sa kapwa motorista.Itinatakda ng House Bill No, 5759 ang parusang pagkakakul0ng ng mula anim na buwan hanggang anim na taon at multa na hindi bababa sa halagang P250,000 sa mga driver na lalabag sa panukalaIminungkahi rin na suspindehin ng limang taon ang driver’s license ng mga motorista na lalabag sa probisyon ng panukala.
Sa explanatory note sa kanyang proposed bill, binanggit ni Rep. Robes na 8 out of 10 drivers ay umamin na sila ay nakapagpakita na ng agresibong pag-uugali sa kalsada, samantalang 9 out of 10 ng mga driver ay naniniwala na ang road r
age ay isang banta sa kanilang personal na kaligtasan.
-