Mga paintings na higit P1 bilyon ang halaga, ilegal na nabili ng mga Marcos – Sandiganbayan

  • Mga paintings na pag-aari ng pamilya Marcos, ilegal na nabili o nakuha, ayon sa Sandiganbayan
  • Ang mga paintings ay nagkakahalaga ng $24,325,500 o katumbas ng humigit kumulang P1.2 billion
  • Kabilang sa mga nabanggit na artworks ay likha ng mga bantog na pintor na sina Matisse, Monet, Picasso, at Van Gogh

Ang buong art collections ng pamilya ng dating pangulong Ferdinand Marcos ay ilegal ang pagkakabili, ayon sa desisyon ng Special Division ng  Sandiganbayan noong Miyerkules, ika-18 ng Disyembre.

Public domain image

Sa 42-pahina ng desisyon ng anti-graft court sa Civil Case No. 0141, ipinag-utos na isuko ang mga paintings ng pamilya Marcos na umabot ang halaga sa $24 million o katumbas ng humigit-kumulang P1,200,000,000.

Kabilang sa 160 artworks na ipinasu-surrender ng Sandiganbayan sa gobyerno ng Pilipinas ay ang 156 paintings na kabilang sa mga nawawalang artworks na nasa listahan ng Philippine Commission on Good Government at apat na Grandma Moses paintings.

Kabilang sa mga nabanggit na artworks ay likha ng mga bantog na pintor na sina Matisse, Monet, Picasso, Michelangelo, at Van Gogh.

Ipinag-utos ng anti-graft court sa pamilya Marcos, kanilang mga kamag-anak o mga kinatawan na huwag ibenta o ilipat ang pagmamay-ari ng mga paintings; ideklara at isuko sa pamahalaan ang mga artworks na nasa kanila pang pag-aari; ideklara ang mga paintings na naibenta na at isuko sa pamahalaan ang perang napagbentahan.

Dapat rin umanong ibunyag ng pamilya Marcos kung saang lokasyon matatagpuan ang mga artworks.

Imahe mula sa PCGG

Sa isinulat na desisyon, sinabi ni Associate Justice Efren de la Cruz na ang napakalaking halaga ng mga artworks ay hindi tugma sa suweldo ng mag-asawang Marcos bilang public officials.

“In sum, petitioner Republic was able to establish the prima facie presumption that the paintings and artworks valued at $24,325,500 acquired by the respondent spouses were significantly out of proportion to their aggregate salaries of $304,372.43 as public officials,” ayon kay  Associate Justice De la Cruz.

Imahe mula sa Philippine Lifestyle

Loading…