Mga paputok iminungkahing patawan ng 20% excise tax sa halip na ipagbawal

  • Mga paputok ipinakulang patawan ng 20% excise tax
  • Mas mainam na buwisan ang mga paputok sa halip na tuluyang ipagbawal ang mga produkto, sabi ng nagpanukala
  • Ang makakalap na buwis ay ilalaan bilang pondo sa kampanya ng DOH at PhilHealth laban sa mga paputok

Sa halip na tuluyang ipagbawal ang pagbebenta ng mga paputok,iminungkahi ng dalawang mambatatas na patawan na lang ito ng 20% excise tax.

Imahe mula sa Panay News

Inihain nina Congressman Alfredo Garbin, Jr. at Congressman Elizaldy Co, kapwa ng Ako Bicol Partylist, ang House Bill No. 1517 na naglalayong amyendahan ang Presidential Decree No. 1994 na nagpapataw ng P30 buwis sa kada kilo ng paputok.

Paliwanag ni Cong. Garbin, dadami lang ang mga ilegal na magtitinda ng mga paputok kapag tuluyang ipinagbawal ang mga produkto. Mas maigi na raw na lantaran ang pagbebenta nito na isinasailalim sa mahigpit na regulasyon at buwis.

“Banning firecrackers is not the proper approach because that would only create a black market for these products. It is much better that they be sold out in the open but under strict regulations and taxes,” ani Garbin.

Ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga paputok ay magreresulta sa mas mataas na presyo ng bentahan ng mga ito. Dahil dito, inaasahan ng mga nagpanukala ng batas na maraming Pilipino ang iiwas sa pagbili ng mga paputok at uunahin na lang ang mga pangunahing pangangailangan.

Imahe mula sa VL Trends

Sa oras na maisabatas ang panukala, ang buwis na makokolekta mula sa mga firecrackers ay ilalaan sa Department of Health at PhilHealth para sa emergency at post-ER recovery fund ng mga mabibiktima ng paputok. Gagamitin din ang buwis para pondohan ang firecracker safety information campaign.

“Remember that public funds are spent whenever people are treated at government hospitals for firecracker injuries. The government should have some way to properly recover that cost and to conduct public campaigns on responsible use of firecrackers and fireworks,” paliwanag ni Cong. Garbin.

Imahe mula sa UNTV

 

Loading…