Mga parol na gawa ng PDLs sa Iloilo City, tampok sa Christmas music video

Imahe mula sa video ni Mayor Jerry Trenas via Facebook
  • Tampok sa music video ng Iloilo City ang mga parol na ginawa ng Persons Deprived of Liberty (PDLs)
  • Sabi ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas, paraan ito upang matulungan nila ang mga PDL na magkaroon ng pondo at upang maiparamdam din sa kanila na bahagi sila ng komunidad
  • Tinitignan naman daw na symbol of unity ni Jail Warden Supt. Mary Chanette Espartero ang mga parol na gawa ng PDLs

Binigyan ng kulay ng inmates sa Iloilo City ang mga kalsada nito sa pamamagitan ng mga parol na tampok ngayon sa Christmas music video ng lungsod.

Imahe mula sa video ni Mayor Jerry Trenas via Facebook

Ayon kay Mayor Jerry Trenas, kinuha nila ang pagkakataon ito upang matulungan ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na magkaroon ng pondo at upang mabigyan sila ng sense of fulfillment dahil may naiambag sila para sa lungsod.

“Aside from the financial help to the PDL, the parol shows that there is strong public private partnership thru the many companies, organizations, and brands who took part in the project as their name or logo appears on the lanterns hanged all over the city,” sabi ni Mayor Trenas.

Layunin din daw ng mga parol at ng music video na maipahatid ang mensahe ng inclusivity sa mga taga Iloilo.

“This project sends a message of inclusivity and strong partnership among us all Ilonggos, and that there can be unity in diversity if we have love for our city.  After all we are the city of love. Here in Iloilo City, as we level up, no one is left behind,” sabi niya pa.

I-click ang imahe para mapanuod ang video via Facebook

Una nang sinabi ni Jail Warden Supt. Mary Chanette Espartero na magandang pagkakataon ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na maramdaman na bahagi sila ng komunidad.

“Our PDLs — they are the lost, the least, and the last in society. At least this time, when we are on (the) street and we see the parol, we can say that our inmates are part of making this city brighter and merrier this Christmas,” sabi ni Espartero.

As of November 15, may 883 inmates sila. “We are one with the city government. We look at the parol as a symbol of unity,” sabi pa niya.

Source :

Facebook, PNA

Loading…