Mga post tungkol sa mga kabataang hinahablot ng puting van, hindi raw verified

Imahe mula sa clipart-library.com
  • Hindi pa raw nave-verify ng mga awt0ridad ang mga kaso ng pagdukot sa mga kabataan na ibinabahagi sa social media
  • Kaya naman paalala ni P0lice Brig. Gen. Bernard Banac, ‘wag magkalat ng ganitong mga impormasyon dahil maaari silang maharap sa kaso
  • Sa kabila nito, mahigpit nang ipinatutupad sa Pasay City ang curfew para sa mga menor de edad habang sa Caloocan naman ay mas pinaigting na ang seguridad sa paligid ng mga paaralan

Pinabulaanan ng Philippine National P0lice (PNP) ang kumakalat na mga balita sa social media tungkol sa puting van na nag-iikot sa ilang bahagi ng bansa at nangunguha raw ng mga kabataan.

Imahe mula sa PNP

Sabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, hindi raw validated ang mga impormasyong ito kaya payo niya sa netizens, ‘wag mag-share ng mga ganitong impormasyon dahil maaari pa silang maharap sa kas0ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

“This has no basis and is not validated. Please do not upload [on social media] immediately. Do not spread it. Instead go to the nearest p0lice station so we can validate the information,” sabi ni Banac.

Sa Pasay City, bumuo na ng task force upang imbestigahan ang mga naireport na siyam na kas0 ng nawawalang mga kabataan na may edad 15 hanggang 23 simula Nobyembre 20 hanggang 22. Pinaigting na rin ang pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad simula 10 p.m. hanggang 4 a.m. Sa kabila nito, nanindigan si Banac na maaaring iba-iba ang dahilan ng pagkawala ng mga kabataan dahil puwede raw na ang iba ay nagtanan o ‘di kaya’y naglayas.

“We are appealing to social media users to avoid sharing or forwarding these kinds of posts so as not to cause undue public alarm and panic. Let’s wait for the result of the investigation of a task force validating the report,” pakiusap niya sa publiko.

Samantala, kahit wala pang nare-report na kaso ng kidnapping sa Caloocan ay nagsimula na silang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad lalo na sa paligid ng mga eskwelahan.

Imahe mula sa PNP
Source :

Inquirer

Loading…