Mga pulis inatasang huwag pasindak sa mga motoristang nagpapakita ng calling cards ng high-ranking officials

  • PNP members inatasang huwag magpapasindak sa mga motoristang name-droppers o nagpapakita ng calling card ng mataas na opisyal para hindi hulihin sa paglabag
  • Papatawan ng kasong administratibo ang sinumang pulis na hindi magpapatupad ng batas dahil nasindak sa mga name-droppers
  • Bawal na ang mga nagpapasindak sa mga nagpapakita ng mga calling card, utos ni PNP OIC Gamboa

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Archie Gamboa ang members ng PNP na huwag pasisindak sa mga indibidwal, lalo na ang mga traffic violators, na mahilig mag-name drop  at magpakita ng calling card ng matataas na opisyal ng PNP at gobyerno.

Imahe mula sa Wheels

Sinabi ni Gamboa na hindi na dapat magpatuloy ang nakasanayan nang kalakaran na kapag may nasisitang lumabag, lalo na sa trapiko, ay pinakakawalan kapag nagbanggit ng pangalan o nagpakita ng calling card ga isang mataas na opisyal ng PNP o ng pamahalaan.

“Ignore name-droppers and  people who flash calling cards of high-ranking police and government officials just to get out of tight situations including simple traffic violations,” utos ni Gamboa sa mga tauhan.

Babala niya, papatawan ng kasong administratibo ang sinumang pulis na hindi magpapatupad ng batas dahil nasindak sa mga name-droppers.

“We will no longer tolerate this. Anyone who will not enforce the law just because somebody tells them that he is a friend of some government big shot will be charged administratively for negligence. Bawal na ang mga nagpapasindak sa mga nagpapakita ng mga calling card,” ani Gamboa.

Imahe mula sa Power Wheels

Ayon pa kay Gamboa, sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay lalong lumalala ang trapiko sa Metro Manila dahil sa mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko. Aniya, marami pa ring pasaway na motorist na gumagamit ng mga blinkers at “wang wang” para makalusot sa trapik.

“Lalo na ngayong Pasko napakaraming pasaway. Kailangan lahat sumunod at kailangan lahat pantay-pantay. We cannot eliminate corruption if we cannot even address this palakasan system even on simple traffic violations,” aniya.

Source :

Inquirer, PNA

Loading…