Michael Pacquiao, ipinagdiwang ang ika-18 kaarawan sa piling ng mga bata sa Gawad Kalinga

  • Isang makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan ang idinaos ng Pamilya Pacquiao para sa ikalawang anak nina Manny at Jinky Pacquiao
  • Nagdiwang si Michael Pacquiao ng kaniyang ika-18 kaarawan sa piling ng mga batang nasa pangangalaga ng Gawad Kalinga
  • Isang paraan ito ng Pamilya Pacquiao para magpasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap

Labingwalong taon na ang ikalawang anak na lalaki nina Manny at Jinky Pacquiao na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaarawan sa isang makabuluhang paraan.

“Give back. Happy birthday, Michael,” pagbati ni Jinky sa binatang anak sa isang Instagram post nito na may kalakip na mga larawan kung paano idinaos ng pamilya ang kaarawan nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinky Pacquiao

Makikita sa Instagram post kung paano pinasaya ni Michael ang mga batang nasa pangangalaga ng Gawad Kalinga.

Ang mga batang iyon, kasama ang kanilang mga tagapag-alaga, ang naging instrument para magpasalamat ang Pamilya Pacquiao sa mga biyayang natatanggap ng kanilang pamilya, lalo na sa buhay ng kanilang minamahal na anak.

Kasama ng mag-ina ang dalawa pang anak na babae nina Manny at Jinky na sina Queen at Mary. Sila ay sama-samang nakipag-bonding sa mga batang nangangailangan ng pagkalinga at tulong.

Makikita rin sa mga larawan na namigay ang pamilya ng branded bags at school supplies sa mga bata. Bukod pa rito ang mga laruan at pagkain. Pinasaya rin nila ang mga bata sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro at puppet show.

Buong sigla namang inawitan ng mga bata ng “Happy Birthday to You” si Michael.

Samantala, bilang isang ina ay lubos ang kagalakan ni Jinky sa dagdag na taon sa buhay ng anak.

“You are a treasure from above, who brings me so much joy and love. I love you, my son!” ayon sa isa pang Instagram post ni Jinky na kalakip ang larawan nila ni Michael na mas matangkad pa sa kaniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Manny Pacquiao

Maging si Manny ay may payak na pagbati rin sa Instagram account nito na may kalakip na larawan ng mag-ama: “Happy birthday, Michael Pacquiao. I am so proud of you.”

Pagbati sa iyo, Michael at sa iyong pamilya na hindi nakalilimot tumulong sa mga nangangailangan.

Loading…