Michelle Dee, kabilang na sa Top 40 ng Miss World 2019

Imahe mula sa Instagram | Michelle Dee
  • Sigurado na ang spot ni Miss World Philippines Michelle Dee sa Top 40 ng pageant matapos niyang mapabilang sa finalists ng Head to Head challenge
  • Kabilang din siya sa Top 20 ng Beauty With a Purpose ng pageant
  • Para sa kaniya, ang autism awareness ay hindi lang isang adbokasiya kundi isang life-long mission dahil may mga kapatid siyang meron nito

One step closer na sa Miss World title si Michelle Dee, ang representative ng Pilipinas, matapos mapabilang sa finalists ng Head to Head challenge ng pageant. Bukod dito, napabilang din siya sa  top 20 ng Beauty With A Purpose.

Imahe mula sa Instagram | Michelle Dee

Inanunsyo ng Miss World sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ang finalists sa Head to Head challenge. Kasama ni Dee ang mga kandidata mula sa Moldova, Nepal, Venezuela, Nigeria, Mexico, Guyana, India, Trinidad & Tobago, at Paraguay.

Masaya rin itong ibinalita ni Dee sa kaniyang Instagram. “It’s been such a proud moment for us today mga kababayan as we’ve officially secured a spot in the Top 40 through the Head to Head Challenge!  Not just that but my Beauty With A Purpose project made it to the final 20 as well,” sabi niya.

Sa Head to Head challenge, ibinahagi ng mga kandidata ang kanilang adbokasiya. Para kay Dee, ang autism awareness ay hindi lamang isang adbokasiya kundi isang “life-long mission” dahil lumaki siya na may dalawang kapatid na may autism.

“Having grown up with two brothers with autism taught me the concept of purpose. I embarked on this pageant journey driven by purpose and motivated by my heart knowing that this is bigger than myself,” paliwanag ni Dee.

Imahe mula sa Instagram | Michelle Dee

Inaabangan na ang coronation ng Miss World 2019 na gaganapin sa December 14, 2019 sa Excel Arena sa London. Kapag naiuwi ni Dee ang korona, siya ang magiging ikalawang Filipina Miss World kasunod ni Megan Young na nakuha ang titulo noong 2013.

Goodluck, Miss Dee!

Loading…