‘Mindanao’ ni Brillante Mendoza, humakot ng parangal sa Metro Manila Film Festival 2019 Awards Night

  • Matagumpay na naidaos ang Gabi ng Parangal ng ika-45 edisyon ng Metro Manila Film Festival nitong gabi ng Disyembre 27, 2019
  • Sa walong opisyal na pelikulang kalahok dito, tatlo lamang na pelikula ang nag-agawan sa mga major awards
  • Nanguna sa mga pelikulang ito ang Mindanao ni Brillante Mendoza

Humakot ng maraming parangal ang mga pelikulang Mindanao, Write About Love, at Sunod sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019 na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Imahe mula sa Facebook page ng Write About Love

Sa walong pelikulang opisyal na kalahok sa MMFF 2019, ang tatlong pelikulang nabanggit ang halos nag-agawan sa mga major awards.

Narito ang mga nahakot na major awards ng pelikulang Mindanao: (1) Best Picture – 1st place; (2) Best Actress – Judy Anne Santos; (3) Best Actor – Allen Dizon; (4) Best Director ­­– Brillante Mendoza; (5) Best Child Performer – Yuna Tangog. Ito rin ang nakakuha ng (6) Visual Effects; at (7) Best Sound Design awards.

Samantala, nakakuha pa ito ng apat na special awards: (8) Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award, (9) FPJ Memorial Award for Excellence, (10) Best Float Award, at (11) Gender Sensitivity Award.

Ang Write About Love ni Crisanto Aquino ay nakahakot ng sumusunod na major awards: (1) Best Picture – 2nd place; (2) Best Supporting Actress – Yeng Constantino; (3) Best Supporting Actor – Joem Bascon. Kinilala rin ito bilang (4) Best Screenplay, (5) Best Editing, (6) Best Musical Score, at (7) Best Original Theme Song. May nakuha rin itong isang special award–ang (8) Special Jury Prize.

Habang ang Sunod ni Carlo Ledesma ay nakakuha naman ng (1) Best Picture – 3rd place, (2) Best Cinematography, at (3) Best Production Design.

Samantala, may special awards din ang Culion bilang Best Ensemble. Female Star of the Night naman si Carmina Villarroel (Sunod) habang Male Star of the Night naman si Aga Muhlach (Miracle in Cell No. 7).

Imahe mula sa Facebook page ng Sunod

Samantala, kinumpirma ni Metro Manila Development Authority at Metro Manila Film Festival Chairman Danilo Lim na simula sa 2020 ay dalawang film festival na ang kanilang ilulunsad: ang taunang Metro Manila Film Festival at ang Metro Manila Summer Festival na nakatakdang ganapin sa Abril sa susunod na taon.

Loading…