“Mini me”: Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, isang baby girl

  • Sa gender reveal party, lumabas na isang baby girl pala ang unang anak ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff
  • Pormal nila itong inihayag sa pamamagitan ng idinaos na gender reveal party nitong Disyembre 19, 2019
  • Makikita rin ito sa social media accounts ng mag–asawa

Isa sa mga celebrity couple na talaga namang itinuturing na “relationship goals” ay ang aktres at multimedia superstar na si Anne Curtis at chef, model, at vlogger na si Erwan Heussaff. Matapos ang kanilang pagpapakasal at buhay mag–asawa, sunod na inabangan naman ng publiko ang kanilang magiging baby.

At hindi nga binigo ng mag–asawa ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay dahil biniyayaan na sila ng kanilang magiging supling, na inihayag nila noong Nobyembre. Ngayong Disyembre 19, 2019, pormal nang inihayag ng mag–asawa sa kanilang mga social media accounts ang kasarian nito: isang baby girl!

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Makikita sa Instagram post ni Anne ang kaniyang announcement, na may caption na “Mini me”. Makikita sa larawan na pareho silang may hawak na pink-colored smoke sticks na ginamit nila sa kanilang gender reveal party. Isa itong pahiwatig na nangangahulugang isang “Little Anne Curtis” ang kaniyang ipinagbubuntis.

Agad namang nagpahatid ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan niya sa industriya ng showbiz.

Ayon kay Donnalyn Bartolome, “My world stopped!!! I’m so excited for both of you ate!!!!!

Nagpahayag din ng kaniyang katuwaan ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na asawa ni Neri Naig. “Yey!!! Congrats sa inyo, pare!!!”

Kinumpirma naman ito ng Instagram post ni Erwan. Nakalagay sa kaniyang caption na “Our household is about to be ruled by two strong women. Can’t wait!”

Marami ang nag–alala sa kaniyang dinadala dahil makapigil–hininga kasi ang ginawa niya, kasama ang kaparehang si Tiyang Amy Perez, sa taunang “Magpasikat” ng noontime show na “It’s Showtime”. Sinabi naman niyang ligtas naman ito at walang dapat ipagkabahala ang kaniyang mga tagahanga. Sa kasalukuyan, limang buwan na ang pagdadalantao ni Anne.

Imahe mula sa Instagram account ni Erwan Heussaff

Pagbati sa inyo, Anne Curtis at Erwan Heussaff!

Loading…