Miracle in Cell No. 7 surprise hit sa first day ng 45th MMFF

  • Miracle in Cell No. 7 isang surprise hit sa unang araw ng 45th Metro Manila Film Festival
  • Ibinahagi ni Aga Muhlach ang ilang larawan ng mga taong pumila sa iba’t ibang sinehan para mapanood ang peikula
  • Patuloy na pinipilahan ang pelikula sa ikalawang araw ng film festival

Halos iisa lang ang sinasabi ng mga nakapanood ng Pinoy adaptation ng Korean drama film na “Miracle in Cell No. 7… napakaganda ng pelikula na pinagbidahan nina Aga Muhlach at child star na si Xia Vigor. Sinuman ang makapanood ng pelikula ay sigurado raw na mai-inspire at maniniwala sa kapangyarihan ng “love, family at friendship.”

Imahe mula sa Instagram page ng Viva Films

Sa ganda ng istorya ay hindi kataka-kataka na naging hit sa mga manonood ang nasabing pelikula sa unang araw ng 45th Metro Manila Film Festival. Ibinahagi ng Viva Films sa social media account nito na sold out ang pelikula sa halos lahat ng sinehan sa Metro Manila.

Ipinakita ng Viva Films sa Instagram ang ilang larawan na nagpapakita na puno ang mga sinehan kung saan ipinalalabas ang pelikulang Miracle in Cell No. 7.

Ang caption sa post: “Parami na nang parami ang nakaranas ng MIRACLE ngayong Pasko! Ano pang hinihintay niyo? Sugod na sa sinehan at manood ng #MiracleInCellNo7#MIRACLEngayongPasko.”

Maging si Aga Muhlach ay labis ang tuwa na pinilahan ang pelikula nila.

“I’m truly humbled. Maraming salamat talaga sa inyong lahat,” post ni Aga sa kanyang Instagram account kasama ang pinagsama-samang mga larawan ng mga taong nakapila sa iba’t ibang sinehan upang panoorin ang pelikula.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

Ang “miracle” ng pelikula ay patuloy na naramdaman sa ikalawang araw ng film festival.

“Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa #MiracleInCellNo7! Sinisigurado naming sulit ang bawat luhang iiiyak niyo! Ayain na ang buong pamilya sa sinehan ngayong #2nddayofMIRACLE! Now showing in cinemas nationwide!” post ng Viva Films sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram page ng Viva Films

Loading…