Miss Universe 1973 na si Margie Moran, sinilip nga ba ang cue card ng host bago ianunsiyo ang nanalo?

  • Trending ngayon sa social media ang video ng 1973 Miss Universe crowning moment
  • Sinilip kasi ng kandidata ng Pilipinas na si Margie Moran ang cue card ng host
  • Maraming netizens ang naaliw sa pilyang galawang ito ng ikalawang Miss Universe mula sa Pilipinas

Bigo mang maiuwi ng Cebuana na si Gazini Ganados ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas, binuhay naman nito ang interes ng mga Pilipino sa beauty pageant. Naglabasan ang iba’t ibang memes tungkol sa naganap na Miss Universe 2019 kabilang na ang farewell walk ni Catriona Gray at ang nagmistulang crowd favorite na si Miss Iceland.

Pero hindi lamang ang mga kaganapan sa latest Miss Universe pageant ang umiikot ngayon sa social media. Maging ang crowning moment ni  Miss Universe 1973 Margie Moran ay kinatutuwaan ngayon ng mga netizens.

Larawan mula sa video ni Jacklynne Lambino sa Facebook

Sikat ngayon ulit sa social media ang video na nire-upload ng Facebook user na si Jacklynne Lambino kung saan makikita ang announcement ng winner ng Miss Universe noong 1973.

Si Moran na Miss Philippines at ang kandidata na lang ng USA ang nasa entablado. Iba pa ang paraan ng pag-anunsiyo ng panalo noon. Kadikit pa ng host sa entablado ang mga kandidata kaya naman may pagkakataong mababasa ng mga ito ang cue card na hawak ng host.

At makikita sa video na tila ito ang ginawa ni Moran. Habang abala ang host sa pagpapaliwanag ng magiging responsibilidad ng 1st runner up kung sakaling hindi magampanan ng tatanghaling panalo ang kanyang tungkulin, napatingin si Moran sa cue card ng host. Hindi niya napigilang mapangiti at napaikot ang kanyang mata sa nabasa. Gayunman, naging matindi pa rin naman ang reaksiyon ni Moran nang siya ang ianunsiyo ng host bilang panalo.

Kahit na apat na taon na ang nakalilipas nang i-upload ang video, hanggang ngayon ay ibinabahagi pa rin ito ng mga netizens. Sa katunayan, umabot na nga sa 147,000 reactions, 12,000 comments, at 63,000 shares ang video na ito ng crowning moment ni Moran.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Maraming netizens naman ang tuwang-tuwa sa ‘ninja moves’ ni Moran sa pagsilip sa cue card. Sabi nila, si Moran daw ang nagpapatunay na ang mga itinatanghal na Miss Universe ay mga confidently beautiful dahil sa kompiyansang ipinakita nito.

Sa isang pahayag sa ABS-CBN News, sinabi ni Moran na dahil nasa ilalim ng Martial Law ang bansa noong lumaban siya, siya lamang mag-isa ang nagpunta sa Athens, Greece para sa pageant. Si Moran ang ikalawang Miss Universe mula sa Pilipinas.

Loading…