Miss Universe 2018 Catriona Gray balik bansa na para simulan ang career sa music

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray
  • Nakabalik na sa bansa si Catriona Gray matapos ang kaniyang reign bilang Miss Universe 2018
  • Ipupursue na raw ngayon ni Catriona ang music na malapit din sa kaniyang puso
  • Hindi pa rin nawawala sa isip ni Catriona ang kaniyang adbokasiya kaya gagamitin niya raw ang music upang makatulong sa charity

Matapos ipasa ang Miss Universe crown kay Miss South Africa Zozibini Tunzi, balik Pinas na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

“First off, I am so, so excited to be back home although I traveled back to the Philippines during this year, now it’s really a homecoming trip because my reign as Miss Universe has ended,” sabi ni Catriona sa isang interview video na ibinahagi ni Khaysie Cabrera via YouTube.

Excited na raw siya na simulan ang mga proyektong nakalinya para sa kaniya dahil sa wakas ay magagawa na niya ang isa pa niyang passion — ang music.

“Since I was 18, I have been dreaming of pursuing music and it always gets put off or pushed to the side. Actually, now that I get to pursue it, it’s like, oh my goodness, it’s like another dream that I’m able to see in my view so I am very excited,” aniya.

Magiging abala raw ang susunod na dalawang linggo para sa kaniya dahil sisimulan na niya ang mga proyekto. “ I am excited for future projects that we have in the pipeline. Me and my management Cornestone will be starting tomorrow na po. So for the next two weeks, I’m gonna work on a lot of exciting things and it will be revealed to you guys very, very soon,” sabi pa ni Catriona.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Sa pagkakataong ito, music naman daw ang gagamitin ni Catriona bilang platform para sa kaniyang mga adbokasiya sa pamamagitan ng pagdaos ng benefit concerts para sa mga charity.

“I really look forward to putting together my two passions which is charity work and music,” saad niya.

Happy for you, Miss Catriona!

Source :

YouTube

Loading…