Mister sinurpresa ang kaniyang misis dahil sa pagiging mabuti nitong asawa at ina

  • Niregaluhan ng mister ang kaniyang misis 
  • Bagong phone, gadgets, at perang pang–shopping ang kaniyang ibinigay
  • Dahil daw ito sa pagiging mahusay niyang misis

Sa araw ng kasal, ipinangako sa isa’t isa ng mag–asawa na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa harap ng dambana ng Diyos. Kailangan nilang alagaan at mahalin ang isa’t isa bilang magkabiyak. Upang maging mas matatag ang isang pamilya, kailangang matatag muna ang mga pundasyon nito — at ito ay ang haligi at ilaw ng tahanan.

Bilang pagpapakita ng kaniyang pagmamahal at pasasalamat, sinurpresa ng isang mister ang kaniyang misis dahil umano sa pagiging mabuting misis nito sa kaniya at maarugang ina sa kanilang mga anak.

Makikita sa Facebook post ng mister na si “Edmar Dizon Vergara” ang kaniyang surpresa sa pamamagitan ng isang video.

Imahe mula sa Facebook account ni Edmar Dizon Vergara

Ayon sa caption: “Every wife deserves like this… lalo’t alam natin kapag housewife ang ating asawa dapat mas lalo natin silang ma–appreciate, sila nag–aalaga nang mabuti sa ating mga anak at magaling magbudget, sobrang sacrifice mag–alaga dahil maiiba nature ng isang babae lalo’t nasanay sa work, kaya i–appreciate natin lahat…”

Dagdag pa niya: “I’m so happy na ikaw ang nakilala ko sa buhay ko. I love you so much, enjoy your new phone, gadgets at mag–shopping ka hehehe…”

Niregaluhan ng mister ang kaniyang asawa ng bagong phone, gadget, at binigyan pa ng pera upang makapag–shopping ito para sa kaniyang sarili. Makikita sa kanilang kama ang mga nagkalat na 1000 at 500 peso bill. Makikita sa mukha ng misis ang labis na pagkagulat sa ginawa ng mister.

Napa–”sana all” na nga lang talaga ang mga netizens sa kanilang nasaksihan. Bumilib sila sa ginawa ng mister. Mapalad daw ang misis dahil nagkaroon siya ng isang mister na maalaga at maalalahanin.

“Priceless yung reaksyon ng misis. Nakakatuwa ang kanilang relasyon. Calling the attention of all husbands out there. Sana mahalin ninyo ang mga misis ninyo kahit matatanda na kayo o mukha nang losyang.”

“Sana all! Happy for the both of you.”

Imahe mula sa Facebook account ni Edmar Dizon Vergara

Love goals sila, hindi ba?

Loading…