Nakapaglaro ka ba ng paper balloons noon?

Imahe mula sa Facebook | Memories of Old Manila
  • Noong hindi pa uso ang gadgets, maraming laruan ang nakasama ng mga bata sa kanilang paglaki
  • Isa rito ang paper balloons na pinapalobo at maaaring gawing sipa
  • Ibinahagi ni Alberto Mostajo, Jr ang larawan ng mga ito sa isang Facebook group kaya naman marami ang naka-miss dito

Noong mga panahong hindi pa uso ang mga gadgets tulad ng cellphone, tablet, o laptop, maraming mga laruang nakasama ang mga bata sa kanilang paglaki. Isa ang paper balloons sa mga laruang hindi malilimutan ng ilan dahil binigyan nito ng kulay ang kanilang kabataan.

Imahe mula sa Facebook | Memories of Old Manila

Ibinahagi ng netizen na si Alberto Mostajo, Jr. sa Facebook group na Memories of Old Manila ang larawan ng mga laruang ito at sinabing “Who remembers inflating these with air and tossing them with one’s elbow or feet? Sipa!”

Hinihipan ang mga ito upang bumilog at saka nila gagawing sipa. Ikinatuwa ito ng netizens dahil ibinalik nito ang mga alaala ng kanilang pagkabata.

Komento ni O. Cruz, “Ay grabe, pag nagsisipa kami at napalakas , butas!” Kaya naman daw si G. Mendoza at ang kaniyang mga kalaro ay gumagamit noon ng kanin upang idikit itong muli.

Imahe mula sa Facebook | Memories of Old Manila

Miss naman daw ni E. Pasatiempo ang makukulay na lobong ito. “When I was a child, naaaliw ako rito while playing especially the colors,” pagbabahagi niya.

Dahil naman sa iba’t ibang kulay nito ay may mga gumagamit dito bilang palamuti kapag fiesta. “Ang ganda po niyan. Iba-iba ang color. Sinasabit po pag fiesta. Ginagawang banderitas noong bata pa kami kapag fiesta ng Tondo,” sabi ni J Samson.

May ilan namang hindi naiwasan ikumpara ang mga laruan ng mga bata noon at ngayon. “Nakatutuwa mga bata noon. Murang laruan, kuntento na. Mababaw kaligayahan namin noon, pero masaya. Mga bata ngayon, madaling ma-bored lalo na’t di nasunod ang gusto,” sabi ni O. Case.

Obserbasyon naman ni D. Ante, eco-friendly ang mga laruan noon. Hindi raw tulad ngayon na puro plastic na.

Ano ang makulay mong karanasan sa mga lobong papel na ito?

Source :

Facebook

Loading…