Naranasan mo rin bang gumamit ng pantakal na ito?

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy - Noon at Ngayon
  • Nanumbalik ang kabataan ng mga netizens sa Facebook dahil sa larawan na ibinahagi ng Facebook page na Batang Pinoy – Noon at Ngayon
  • Larawan ito ng ginagamit noon na pantakal ng mantika o gaas sa mga sari-sari store
  • Marami ang nagkomento rito at nagbahagi kung paano sila pinahanga nito noon

Alam mo ba kung para saan ang gamit na ito?

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy – Noon at Ngayon

Maraming netizens sa Facebook page na Batang Pinoy – Noon at Ngayon ang tila nanumbalik sa kanilang kabataan dahil sa nasa larawang ito na madalas makita noon tuwing bibili ng tinging mantika o gaas sa mga sari-sari store.

Saad sa larawan sa page, “Yung di mo maiwasang bumilib kasi para itong maliit na poso.” Ito ang ginagamit noon na pangsalin sa mga binibiling gaas o mantika na noon ay nasa malaking lata. Bilib daw ang mga netizen noon kung paano ito ginagamit upang isalin ang kanilang binibili.

Sabi ni J. Licaycay, “Napakamot talaga ako ng ulo kung paano gumagana yun. Buti na lang at naituro sa akin.”

Sabi naman ni L. Garcia, “Ginagamit [‘yan] sa mga balde ng mantika, suka, at gaas. Pag nagtitingi sila ng bote bote.”

Ibinahagi rin ng mga batang nagbabantay noon sa kanilang tindahan ang kanilang karanasan sa paggamit nito. “Tuwang tuwa ako kapag may bibili sa tindahan namin noon ng mantika, suka, at toyo (Batang 90s here). Taga takal ako. Nakatutuwang gamitin ‘yan,” sabi ni C. Bueza.

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy – Noon at Ngayon

Mas napapadali naman daw  ang pagtatakal ni S. Lee sa kanilang paninda noon kapag ginagamit ito.

“Noong araw, meron din kami niyan dahil may sari sari-store mother ko. Dalawa pa nga ‘yong ganyan namin. ‘Yong isa gamit sa binebentang mantika at ‘yong isa pa gamit sa binebentang ker0sene. Mas madali kasi magtakal pag ‘yan ang gamit,” sabi niya.

Si Mel G. naman, gustong-gusto raw na mautusan noon para makita kung paano gamitin ito. “Paulit-ulit ako pinabilib niyan,” komento niya.

Si E. Garcia naman, lagi raw inaabangan na masira ito dahil mayroong dalawang holen sa loob. “Kaso taon na lumipas, hindi pa rin nasisira,” sabi niya.

Naranasan mo rin bang gumamit nito noon?

Source :

Facebook

Loading…