Netizen, ibinahagi ang kaniyang sariling bersyon ng iba’t ibang uri ng “boypren”

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang sariling bersyon ng iba’t ibang uri ng “boypren”
  • Ito ay ang The Makulit, The Matalino, The Seloso, The Slow, The Matakaw, The Photographer, The Mapang–asar, The Seryoso, at The Manyak
  • Bagay daw ito para sa lahat ng mga taken na

Para sa mga babaeng “taken” na, baka maka–relate ka sa ibinigay na sariling bersyon ng iba’t ibang uri ng “boypren” o kasintahang lalaki ng isang netizen na nagngangalang “Bon Sai”.

Ayon sa Facebook post ni Bon Sai, may siyam na uri ng boypren sa mundo. Ito ay ang The Makulit, The Matalino, The Seloso, The Slow, The Matakaw, The Photographer, The Mapang–asar, The Seryoso, at The Manyak.

Public Domain Image

“The Makulit” ang tawag sa mga nagpapansing boypren, na kapag pinansin mo naman, ikaw naman ang hindi papansinin. The best naman daw kung “The Matalino” ang boypren mo dahil tutulungan ka nito sa mga school works mo, kaya lang, mas mahal daw nito ang mga aklat kaysa sa iyo. “The Seloso” naman ang tawag sa boypren na lahat na lang ng mga lalaking lalapit sa iyo, maski na pinsan o kaanak mo, ay pagseselosan.

Sa pagpapatuloy, “The Slow” ang boypren mo kung mabagal siyang mag–isip na para bang pagong. Malulugi ka naman daw kapag “The Matakaw” ang kasintahan mo dahil kahit nagtitipid ka, mapapagastos ka dahil maya’t maya ang pag–andar ng alaga sa kaniyang bituka.

Huwag mo naman daw pakakawalan si “The Photographer” dahil may instant photographer ka na, may best display photo ka pa sa social media. Parang “two birds in one stone”.

Wala naman daw magawa ang mga “The Mapang–asar” dahil sila raw ang mga uri ng nilalang na nagmumukhang timang para lang asarin ka, at kapag sila naman ang inasar, todo tampo naman. “The Seryoso” naman ang uri ng nobyo na trip lang talagang magseryoso dahil kunwari cool at gwapo sila kapag seryoso. At ang pinakahuli, ang mga “The Manyak” na hindi papipigil at walang sinasanto.

Public Domain Image

Anong uri ng boypren ang kasintahan mo? Kung ikaw naman ay isang boypren, sino ka rito?

Loading…