Netizen may paalala kung sakaling tumagas ang gaas ng LPG tank sa loob ng bahay

  • Nagpaalala ang isang concerned netizen sa mga dapat gawin kung sakaling tumagas o sumingaw ang gaas sa tangke sa loob ng bahay
  • Buksan kaagad ang mga pinto at bintana ng bahay upang lumabas ang singaw ng gaas at huwag magbukas ng mga kasangkapang de–kuryente
  • Huwag ding magsindi ng mga bagay na pagmumulan ng apoy tulad ng posporo, lighter, kalan, at iba pa

Ngayong panahon ng reunion o salusalo dulot ng holiday season mula Pasko hanggang Bagong Taon, gamit na gamit ang kusina dahil sa pagluluto ng masasarap na pagkain. Kaya naman, may paalala ang isang concerned netizen hinggil sa mga hakbang na dapat gawin kung sakaling mag–leak o tumagas ang laman ng LPG tank sa loob ng bahay.

Sinimulan ang Facebook post ng isang netizen na may Facebook name na “Daniel Jonas” sa isang kuwento ng mag–asawang kumain ng dinner sa isang restaurant, at nang sila ay umuwi, naamoy nila ang tumagas na LPG tank sa buong kabahayan.

Imahe mula sa Facebook account ni Daniel Jonas

Nagtungo raw ang mister sa kusina upang kumpirmahin kung saan nagmumula ang matinding amoy ng gaas. Binuksan daw niya ang ilaw upang makita ito, subalit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kaniyang harapan. Sumabog ang LPG tank, na mas malakas pa umano sa b0mba.

Narito ang paalala ng concerned netizen. “When you smell the gas do not turn on the light, but open all the doors and windows calmly, so that no spark occurs, then close the gas tube and do not turn on the light until the smell of gas completely disappears.”

Dagdag pa niya, “Also do not open the refrigerator if you smell the gas, because it also causes an explosion, and even the suction fan do not switch it on because it has an electrical charge, just open the windows.

Nagkomento naman ang mga netizens hinggil sa mga paalalang ito na magagamit sa pang–araw–araw na pamumuhay, at hindi lamang tuwing abala ang mga tao sa iba’t ibang pagdiriwang.

Saad ng isa, “Thanks for this relevant information! We better check as well our LPG tank from time to time for safety purposes.”

“This information is very essential. Kaya kami, we make sure na naisasara namin ang pihitan ng LPG tank kapag umaalis kami, o kaya at night,” turan naman ng isa.

Public Domain Image

Ayon sa Department of Energy, ang Liquified Petroleum Gas o LPG ay pinaghalong 60% butane at 40% propane. Ito ay nagmula sa distilasyon ng krudo sa proseso ng pagpino o refining kahalintulad ng iba pang likidong panggatong o liquid fuel tulad ng gaas, gasolina at diesel.

Sa pagbili ng LPG tank, tingnan at suriin kung maayos at walang sira ang rubber hose at ang mismong LPG tank o cylinder. Huwag ilagay ang tangke sa saradong lalagyan o kabinet at panatilihin ang kalan sa pantay na lugar na mas mataas sa tangke. Panatilihin itong nasa patayong posisyon at nakalagay sa pantay na lugar. Iwasan umano itong ilagay sa malapit sa mga bagay na madaling pagmulan ng init o apoy.

Sa pagluluto, tiyaking nakapihit pasara ang regulator ng tangke upang hindi sumingaw ang gaas kung tapos nang magluto o hindi na ito ginagamit. Kung sakaling sumingaw ang gaas, buksan kaagad ang mga pinto at bintana ng bahay upang mawala ang singaw. Huwag ding buksan o patayin ang mga gamit na de–kuryente sa loob ng bahay. Iwasan din umanong magsindi ng posporo, lighter, kalan at iba pang bagay na pinagmumulan ng apoy.

Iba ang nag-iingat sa umaasa na lang sa bahala na. Enjoy the holidays!

Loading…