Netizen nabagbag ang damdamin sa isang Aetang nagtitinda ng alkansya sa Divisoria

  • Itinampok ng isang netizen ang nakilalang tinderong Aeta sa Divisoria
  • Nagtitinda ito ng alkansiyang yari sa kawayan subalit wala umanong pumapansin dito
  • Bumili ng isa ang netizen at nanawagan sa iba na tangkilikin ang paninda ng naturang Aeta

Nabagbag ang damdamin ng isang netizen sa isang tinderong Aeta na namataan niya sa Divisoria dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga nitong maibenta ang mga panindang alkansiya na yari sa kawayan.

Ayon sa Facebook post ng netizen na nasa pangalang “Faith HA”, nakita niya ang naturang matandang Aeta na nagtitinda ng alkansiyang kawayan sa labas ng isang mall sa Divisoria. Pilit nitong iniaalok at itinitinda ang kaniyang paninda kahit walang pumapansin sa kaniya dahil hirap siyang magsalita ng wikang Tagalog.

Panawagan niya sa iba pang mga netizen na makakikita sa kaniya sa Divisoria, sana ay bumili sila ng paninda sa matanda.

Imahe mula sa Facebook account ni Faith HA

“No one has ever become poor by giving. He is an old Aeta selling a bamboo coin bank outside Divisoria mall, please people kapag nakita ninyo siya, bilhan ninyo po siya,wala namang masamang tumulong eh. Masakit makakita ng taong tulad niya, he hardly speaks Tagalog but he tried his best to sell the bamboo coin bank pero wala talagang pumapansin sa kanya,” panimulang talata sa caption ng netizen.

Ibinahagi pa niya ang naging pag-uusap nila ng Aeta. Tinanong niya kasi ito kung magkano ang paninda niya. 120 piso raw subalit 100 piso na lamang para sa kaniya dahil wala pa raw bumibili sa kaniya. Bukod dito, binibigyan pa siya ng isa dahil ang netizen daw ang buena mano sa kaniyang mga paninda.

“Binigyan ko siya ng 200 (pesos) at hindi ko na tinanggap ang offer niyang bigyan pa ako ng isa at hindi ko na kinuha sukli ko,” aksyon ng netizen. Nagpasalamat daw sa kaniya ang tinderong Aeta nang may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Nanawagan din ang netizen na huwag maliitin ang mga Aeta. Marangal ang kanilang pagtatrabaho.

“When you work really hard and you help others, God helps you get what you want. You will find the smiles of those whom you’ve helped. Their gratefulness and prayers of blessings are worth more than a million gems. You will realize that helpings others is the most amazing feeling in the world,” huling mensahe ng netizen.

Imahe mula sa Facebook account ni Faith HA

Nawa ay makabenta pa nang marami ang naturang masipag na tinderong Aeta!

Source :

Facebook

Loading…