Netizen, nanawagan na pasalamatan ang mga OFW ngayong Pasko

  • Nanawagan ang isang netizen na alalahanin at pasalamatan ang mga kaanak na Overseas Filipino Workers o OFW sa ibang bansa ngayong yuletide season
  • Masakit daw isipin na wala sila sa kani–kanilang mga pamilya upang ipagdiwang ang isa sa mga mahahalagang okasyon ng mga Pilipino sa isang buong taon
  • Nagbigay naman ng kanilang sariling pagpapaalala ang iba pang netizen hinggil dito

“Pasko na naman, ngunit wala ka pa. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo? Bakit ba naman kailangang lumisan pa, ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka. Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap-hanap pag-ibig mo. At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako… muling makita ka at makasama ka sa araw ng Pasko…”

Kung pamilyar ka sa kantang “Sana Ngayong Pasko” ni Ariel Rivera, tiyak na isa ka rin sa mga naka–relate na naaalala ang mga mahal sa kaanak na Overseas Filipino Workers o OFW sa tuwing sasapit ang pagdiriwang ng Pasko.

Ang kantang ito ay madalas na ikinakapit para sa mga OFW na piniling lumayo sa kanilang pamilya upang magsakripisyo sa ibang bansa at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga magulang, kapatid, o anak.

Public Domain Image

Kaya naman, isang netizen na nagngangalang Romeo del Carmen ang humikayat sa lahat na ngayong sasapit ang Pasko, alalahanin at pasalamatan naman ang mga kaanak na OFW.

Ayon sa kaniyang Facebook post sa Memories of Old Manila, “Ngayong Pasko, pasalamatan naman natin ang ating mga mahal sa buhay na OFW na nasa ibang lupain. Masakit isipin na sa mga okasyong tulad ng Pasko dapat ay ipinagdiriwang ito ng buong pamilya, ngunit para din sa pamilya handang magsakripisyo ng OFW na nasa ibang bayan.” Hinango ng netizen ang mga kalakip na larawan sa Facebook page na “HugotQatar”.

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen. Marami ang agad na nakaramdam ng pangungulila para sa kanilang mga kaanak na OFW na nasa ibang bansa. Mabuti na lamang daw at may social media dahil maaari na silang kausapin sa pamamagitan ng chat o video calls hindi katulad dati.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Sabi ng isang netizen, “Dalasan ang pagtawag sa kanila, hindi lang sa tuwing hihingi ng pera o padala. Iba ang lungkot kapag nasa ibang bansa.”

“I kind of relate to this. Not on the food but of the company of your love ones. While you’re relatives are all merry making and having a blast during the yuletide season, you’re busy entertaining yourself.”

Dagdag pa niya: “Its more meaningful to eat a less delicious food as long as its spent with your love ones. I did four grueling years. Salute to all those who keep on soldiering on,” turan naman ng isa.

Kaya kung ikaw ay may kaanak na OFW, gawin ang lahat ng paraan upang makausap sila; mga simpleng paraan para sa kanilang pagsasakripisyo.

Source :

Facebook

Loading…