Netizen napahanga sa hairstyle ni Liza Soberano sa kaniyang bagong teleserye

  • Hindi napigilang mapahanga ang isang babaeng netizen sa bagong hairstyle ni Liza Soberano
  • Ito ay hairstyle ng karakter ni Liza sa upcoming teleserye nilang “Make It With You” ni Enrique Gil
  • Inihambing si Liza sa iba’t ibang mga international artists tulad nina Thalia, Taylor Swift, at marami pang iba

Isa ang aktres na si Liza Soberano sa mga sikat na celebrity na talaga namang hinahangaan hindi lamang ng mga lalaki kundi maging mga babae dahil sa taglay nitong kagandahan. Minsan na siyang napasama sa listahan ng mga artistang babaeng may pinakamagagandang mukha sa buong daigdig.

Kaya naman, hindi napigilan ng isang babaeng netizen na nagngangalang Naomi Altejos na ipahayag ang kaniyang paghanga kay Liza Soberano, lalo na sa bago nitong hairstyle sa upcoming teleserye nitong “Make It With You” katambal ang real boyfriend na si Enrique Gil, na bumubuo sa tambalang LizQuen.

Imahe mula sa Facebook account ni Naomi Altejos

Ayon sa caption ng kaniyang Facebook post: “Ghad I love Liza Soberano’s new hair style on her upcoming teleserye entitled “Make It With You” with Enrique Gil.” Makikita sa mga larawan ang napakagandang si Liza na may blonde curly hair.

Sumang–ayon naman ang iba pang mga netizen. Ayon sa isa, “Liza looks like a Mexican actress.” Dagdag naman ng isa pa, “Lakas maka–Thalia nito oh. Oh kaya naman, Taylor Swift. She is so beautiful!” Hirit naman ng isa, “Bakit lahat ng klase ng hairstyle, bagay kay Liza? This is unfair, hahaha. Iba talaga kapag maganda.”

Si Liza Soberano ay may lahing Amerikano. Napansin na kaagad ang kaniyang kagandahan sa mga palabas ng ABS–CBN Kapamilya Network. Sumikat siya nang makatambal ang gwapong aktor na si Enrique Gil na isa sa mga leading men ng Kapamilya Network.

Ang kauna–unahang teleseryeng na pinagtambalan nila ay ang “Forevermore” noong 2014. Ang iba pa nilang teleserye ay ang “Dolce Amore” at “Bagani”. Ang “Make It With You” ay ikaapat na teleserye ng LizQuen.

Panoorin ang full trailer ng kanilang bagong teleserye via YouTube channel:

Loading…