Netizens na-inspire sa P40k na ipon ni Ryza Cenon sa alkansya

Imahe mula sa Instagram | Ryza Cenon
  • Ibinahagi ni Ryza Cenon sa Instagram ang kaniyang naipon sa alkanysa sa loob ng sampung buwan
  • Nakaipon siya ng P40,000 na mga barya at papel na tig P20 at P50
  • Maraming netizens ang humanga rito at na-inspire na mag-ipon din sa darating na taon

Uso ngayon ang pagsisimula ng Ipon Challenge, o ang pag-iipon ng mga barya o bills sa mga alkansya, tuwing papasok ang panibagong taon. Kaya naman nakasanayan na rin ng mga netizens na ibahagi kung magkano ang naipon nila sa katapusan ng taon. Bagama’t hindi lahat ay matagumpay na natatapos ang challenge na ito, marami ang nai-inspire sa mga nakakaipon ng malaking halaga sa pagtatapos ng taon.

Imahe mula sa Instagram | Ryza Cenon

Maging ang aktres na si Ryza Cenon ay hindi nagpahuli rito. Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram ang time lapse video na nagpapakita sa kanilang nagbibilang ng mga barya at papel na tig P20 at P50 na galing sa malalaking garapon.

Ayon sa kaniya, sa loob ng 10 buwan ay nakaipon siya ng P40,000. “Naka 40K ako! Sarap ng feeling na may ipon bago matapos ang taon. Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat,” sabi niya. Hinamon din niya ang kaniyang followers na muling gawin ang challenge sa susunod na taon. “Next year uli! Game kayo?”

Marami ang humanga sa pag-iipon na ito ni Ryza. Sabi ni pmpjaguerrero, “Ang galing. May nag-aalkansya pa palang artista.” Ayon naman kay jelisadelacruzborja “You are the kind of artista I admire talaga. Super simple and down to earth.”

Imahe mula sa Instagram | Ryza Cenon

Ang netizen na si deeands, na-inspire din daw ni Ryza noon kaya bumili siya ng katulad na jar ng sa aktres at sinimulan na rin ang pag-iipon. “I did that too. You inspired me so I bought my own jar like yours. More ipon this 2020. Will count the money before this year ends,” sabi niya.

May ilan din na na-inspire na mag-ipon para sa darating na taon. “Namotivate akong mag-ipon. Gagawin ko rin ito ngayong 2020,” sabi ni avhz.villalobos.

Ang Instagram user na si Jasper naman daw ay na-ispire lalo na mag-ipon. “Nakaka-inspire to save for the future,” pagsang-ayon naman ni bondocjoshua18.

Samantala, may isa namang nagbiro na sa susunod ay magiging P50 challenge na ang pag-iipon dahil magiging barya na rin ang P20. “Next year, wala nang tig P20 na papel dahil barya na. P50 pesos challenge na lang,” sabi ni berna_1888.

Successful ba ang Ipon Challenge mo ngayong taon?

Source :

Instagram

Loading…