Netizens nagpetisyon: Rename NAIA back to its original name Manila International Airport

Imahe mula sa PNA | Cristina Arayata
  • Isang online petition ang kumakalat ngayon upang ibalik ang Ninoy Aquino International Airport sa dating pangalan nitong Manila International Airport
  • Ang nagsimula ng petisyon na ito ay naniniwala raw na hindi dapat ipangalan kay dating Senador Ninoy Aquino ang pangunahing airport ng bansa
  • Umabot na sa mahigit 108,000 ang pumipirma rito

Isang online petition ang sinimulan upang ibalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dating pangalan nito na Manila International Airport (MIA).

Imahe mula sa Change.org

Hinimok ni Roy Domingo ang mga Pilipino na pumirma sa petisyon na sinimulan niya sa Change.org. Ayon sa kaniya, isa raw politiko si Ninoy Aquino at hindi isang bayani kaya hindi raw dapat sa kaniya ipangalan ang pangunahing airport ng bansa.

“Ninoy Aquino is not a hero/patriot for inspiration and emulation of this generation and generations still unborn.  He was clearly a POLITICIAN and by naming the Philippine’s main airport to his name is an insult to all Filipino heroes who died for the country,” sabi niya.

Kinakailangan nito ng 150,000 na pirma upang maiparating sa mga senador. Sa ngayon ay may mahigit 100,000 nang lumalagda rito. Para sa mga lumagda sa petisyon, dapat ibalik ang dating pangalan ng airport dahil mas “appropriate” daw ito.

“I am not an Aquino hater actually. My grandparents were friends with Ninoy. I just do not think his name should be on Manila’s airport because his ideology does not represent the entire nation,” sabi ni Maria Ferro.

Imahe mula sa Change.org

Para kay Carlos Chiu, “[MIA] identifies the entire country, the Philippines, rather than an individual.” Sabi naman ni R. Batongmalaki, dapat daw na sa lugar ipangalan ang airport at hindi sa isang tao. “In other countries, [airports are] named after a place or a country. The new name should embody the Filipino people collectively.”

Taong 1987 nang gawing Ninoy Aquino International Airport ang noo’y Manila International Airport sa bisa ng Republic Act 6639. Si Ninoy ay nasawi habang pababa sa eroplano matapos ang ilang taong paninirahan sa US.

Source :

Change.org

Loading…