Netizens naka-relate sa ‘unglamorous’ na pagdiriwang ni Lauren Young ng Pasko

Imahe mula sa Instagram | Lauren Young
  • Napuno ang Instagram feed ng posts mula sa celebrities na nagbahagi kung paano nila ipinagdiwang ang Pasko
  • Si Lauren Young, ibinahagi naman ang ‘unglamorous’ na pagdiriwang ng pamilya
  • Sa kaniyang post, makikita siya at ang kaniyang kapatid na nakahiga habang abala sa kanilang mobile phones.

Kaniya-kaniyang paraan ng pagdiriwang ng Pasko ang mga celebrity ngayong taon. Sa katunayan, napuno ang Instagram ng posts mula sa mga artista na nagbahagi ng kanilang Christmas photos kasama ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Imahe mula sa Instagram | Lauren Young

Samantala, si Lauren Young naman ay nagbahagi ng  larawan na nagpapakita ng “unglamorous” daw na pagdiriwang ng kaniyang pamilya. Makikita rito si Lauren na nakahiga sa sofa at ang kaniyang kapatid naman na si Victor ay nasa sahig. Pareho silang busy sa kanilang mobile phones.

Tinawag niya itong “raw and real.” Tradisyon na raw kasi ng kanilang pamilya na manatili lang sa kanilang bahay tuwing ganitong panahon. “In our family, our Christmas tradition is to just stay home, sleep, and have dinner,” sabi niya.

Ito raw ang paraan nila upang makapag-recharge para sa paparating na panibagong taon.”Nothing fancy, nothing over the top or overcrowded, just spending time with each other in the quiet and resting up for a busy year ahead of us,” dagdag niya pa sa caption.

Tinanong niya rin ang followers kung paano nila ipinagdiwang ang holidays at tila marami sa kanila ang naka-relate sa pamilya ni Lauren.

Sabi ni Noelle, “Sort of the same, however Christmas eve is a busy day because we spend it cooking.”

Imahe mula sa Instagram | Lauren Young

Si Lotie naman, sinabing ganoon din ang ginagawa ng pamilya at kung minsan nga raw ay wala nang dinner dahil tulog na ang ilan. “What’s important is all of us are in one roof. Resting and thanking the Lord for the great year,” sabi niya.

“I agree! Spending time with people you love is the best. No drama! I will keep this tradition,” sabi naman ni ackermannadia.

Paano ninyo ipinagdiwang ang Pasko?

Source :

Instagram

Loading…