‘Never too late to make things right’: Sunshine Cruz, naging emosyonal sa throwback photo kasama ang mga anak

Imahe mula sa Instagram | Sunshine Cruz
  • Nagbahagi ng throwback photo sa Instagram ang aktres na si Sunshine Cruz kung saan kasama niya ang tatlong anak sa dating asawang si Cesar Montano
  • Ibinahagi niya na malaki na ang naging pagbabago sa buhay niya simula nang kunan ang larawan na iyon 13 taon na ang nakalilipas
  • Payo niya sa mga kapamilya at kaibigan, hindi pa huli ang lahat para sa second chance sa buhay

Naging emosyonal ang aktres na si Sunshine Cruz sa ibinahaging throwback photo kasama ang tatlo niyang anak sa dating asawang si Cesar Montano.

Imahe mula sa Instagram | Sunshine Cruz

Sa Instagram, ipinost ni Sunshine ang larawan kasama ang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca 13 taon na ang nakalilipas. “A bit emotional now. First photo was taken 13 years ago, I was 29 years old here. Haggardo! At mas malaki pa ang braso ng mga anak ko sa braso ko,” panimula ng mahabang caption niya.

Lubos daw ang pasasalamat ni Sunshine dahil malayo na ang narating nila matapos makuha ang tinawag niyang pangalawang pagkakataon.

“Everytime I see photos of myself from the past, napapangiti at nagiging emoti0nal ako. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil ang layo na pala talaga ng narating namin ng mga anak ko,” sabi niya. “Nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay nang mas maayos, mas masaya, at naging mas matatag ako.”

Imahe mula sa Instagram | Sunshine Cruz

Napansin din daw ni Sunshine ang positibong pagbabago sa kaniyang mga anak dahil ngayon daw ay mas confident at mas matatag na ang mga ito tulad niya.

“They are just like their mom, marunong lumaban kung kinakailangan at marunong magpasalamat sa biyaya, maliit man o malaki,” saad niya.

Mensahe niya naman sa mga mahal sa buhay, hindi pa huli ang lahat para sa pangalawang pagkakataon dahil kung nakaya raw niya, ay paniguradong kakayanin din ng iba. “It is never too late to make things right and to be better versions of ourselves. Samahan n’yo ng maraming dasal dahil hindi talaga natutulog ang Diyos,” pagtatapos ni Sunshine.

Opisyal na na-annul si Sunshine kay Cesar Setyembre 2018 matapos maglabas ng desisyon ang k0rte sa petisy0n na inihain niya noong May 2014. Mahigit 15 taon silang kasal.

Loading…