Nostalgia: Natatandaan mo pa ba ang koponang “Crispa”?

  • Nanumbalik sa alaala ng avid fans ng basketball ang koponang Crispa Redmanizers
  • Namayagpag ito mula 1956 hanggang 1984
  • Ito ang mahigpit na kalaban ng koponang Toyota

Crispa o Toyota? Toyota o Crispa?

Ngayong uso ang usaping pampalakasan dahil sa 30th Southeast Asian Games o SEA Games, gayundin ang sunod–sunod na paghakot ng gintong medalya ng ating mga atleta, napabalik–tanaw ang netizens sa mga atletang minsan nang tinilian at hinangaan, lalo na sa larangan ng basketball.

Sino ang makalilimot sa sagupaang Crispa Redmanizers at Toyota noong 50’s hanggang 80’s?

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Kaya naman, nagmistulang “nostalgia” para sa avid fans ng basketball ang throwback photo ng mga sikat na top basketball team player ng koponang Crispa Redmanizers, sa Facebook page na “Memories of Old Manila”, batay sa Facebook post ng uploader na si “Tomas Vargas III”.

“CRISPA REDMANIZERS (top players) Bernie Fabiosa, Bogs Adornado, Atoy Co, Philip Cezar, Freddie Hubalde, and Abet Guidaben.”

“Relate–much” naman dito ang netizens na naabutan at nasaksihan ang sagupaang Team Crispa–Team Toyota.

“Matitindi ang mga iyan lalo na kung Toyota ang kalaban. Kulang pa nga ‘yang mga nasa picture dahil wala si Rudy Soriano na tirador sa fastbreak at kung mag lay up ay left and right.”

“My lodis… iba ang PBA noon, basta Crispa- Toyota ang naglaban blockbuster at full pack ang Ultra at Araneta… those were the days.”

“Maka–Toyota ako noon, pero gusto ko diyan si Philip Cezar… ang galing niya… lahat magaling pero iba si Philip Cezar. Nasaan na kaya siya?”

Public Domain Image

Nagsimulang mabuo ang koponang Crispa Redmanizers noong 1956 dahil sa negosyanteng si Valeriano “Danny” Floro para sa Philippine Basketball Association o PBA, na nakapagtala ng 13 PBA championships, kabilang ang dalawang grand slams. Na–dissolve ito noong 1984 dahil naibenta ito sa Pilipinas Shell.

Isa sa mga top players nito na si Atoy Co ay pinasok ang industriya ng showbiz. Siya ang gumanap na ama ni John Lloyd Cruz sa pelikulang “My Amnesia Girl” na katambal naman si Toni Gonzaga.

Loading…