Nostalgia: Sapatos na “Adidas” na likha sa Pilipinas

  • Nanumbalik sa alaala ng mga netizens ang isang imported brand ng sapatos na nilikha sa Pilipinas
  • Ito ay ang “Adidas” na nagmula sa bansang Germany at sinimulan ni Adolf Dassler na siyang pinagmula ng pangalan nito
  • Nawala umano ang pabrika ng Adidas sa Pilipinas dahil sa pagpapasara ng mga militanteng grupo

Isa sa mga pinagkakatiwalaan at tinatangkilik na brand ng sapatos at maging sa iba pang bagay ang “Adidas”. Ang Adidas ay isang brand at multi–national corporation na matatagpuan sa bansang Germany. Kilala ang kompanyang ito sa paglikha ng mga sapatos, damit, at mga accessories. Ito ay sinimulan ni Adolf Dassler sa bahay ng kaniyang ina.

Kaya naman, isang Facebook user na nagngangalang “Timpurrari RA” ang nagdulot ng nostalgia sa mga netizens dahil sa ibinahagi niyang mga larawan ng kaniyang lumang sapatos na Adidas sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ang nakamamangha rito, makikita sa kaniyang Facebook post na sa Pilipinas ginawa ang naturang sapatos; nangangahulugang nagkaroon ng pabrika ang Adidas sa Pilipinas, na ibinebenta sa ibang bansa.

“For those who didn’t know, Adidas made shoes in the Philippines. Adidas Vienna, 1996.”

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens na natatandaan o naabutan ito. Ang ilan ay nagbahagi ng karanasan hinggil dito.

“Tama pala yung sabi ng teacher ko nang elementary ako. Marami raw sa produkto ng ibang bansa na gawa sa atin. Pero salamat sa trivia na ito.”

“I worked in Adidas Qatar before, marami pa rin talagang naghahanap ng Philippine–made Adidas na mga customers. Iba raw ang kalidad eh.”

“Oo dito iyan ginagawa noong panahon ni Pangulong Marcos. Rubberworld ang may gawa niyan, malaking pabrika sa Novaliches. Kaso pinasok ng KMU (Kilusang Mayo Uno) nag–strike kaya nawala. Daming trabahador diyan…”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Adidas, Nike and Acers present in Pinas before year 2000. They transferred to Vietnam. No labor unions, has heap electricity, free land rentals for their factories and tax holidays just to create jobs for their nationals.”

“I was working in Saudi Arabia when my friend went to Germany. I told him to buy me an Adidas Superstar (like Jawo) from there and he did… only it was made in the Philippines. It was very well made with real leather uppers.”

Samantala, kung patibayan din lamang ng sapatos ang pag–uusapan, hindi pahuhuli riyan ang Pilipinas. Kilala ang Marikina City bilang “Shoe Capital of the Philippines” dahil sa paglikha ng mga matitibay, magaganda, at de–kalidad na sapatos at iba pang footwear.

Loading…