Nostalgia: Tinapakan mo rin ba ang likod ng iyong tatay o lolo noong bata ka pa?

  • Nanumbalik sa alaala ng mga netizen ang gawaing pagtapak sa likod ng mga anak o apo sa likod ng kanilang tatay o lolo
  • Bahagi ito ng paglalambing sa kanila na napagod sa maghapong paggawa o pagtatrabaho
  • Nagbahagi naman ang mga netizens ng kanilang mga kuwento at karanasan hinggil dito

Ang pamilya ay pinakamaliit subalit pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan. Bawat pamayanan ay binubuo nito. Kilala ang mga Pilipino sa mahigpit na “family ties” o pagkakabuklod–buklod ng pamilya. Mataas ang paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang at mga nakatatanda, lalo na sa mga lolo at lola.

Isa sa mga paglalambing at bonding na rin ng mga tatay at lolo sa kanilang mga apo ang simpleng pagtapak sa kanilang mga likod bilang masahe. Nanumbalik sa alaala ng mga netizen ang gawaing iyon sa pamamagitan ng Facebook user na si Manilyn Sulapas sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. Tanong niya sa kaniyang Facebook post, “Sino ang nakaranas po nito noong mga bata pa kayo?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Hindi naman nagpahuli ang mga netizen at nagbahagi ng kanilang mga kuwento at karanasan hinggil dito. Kuwento ng isa, “Ako po taas ang dalawang kamay ko, naranasan ko iyan noong bata ako pati bunot ng uban sa kanila.”

“We did that to our late grandfather. Pati sa tatay ko. Bago matulog tatay ko, ganyan pinapagawa sa akin… tumulay sa likod nya…,” saad naman ng isa pang netizen.

Pagbabahagi naman ng isa, “We used to do this to my dad when I was little. I missed him more. My kids used to this too with my husband now their both grown up. Good old memories.”

Samantala, isang netizen naman ang nag–iwan ng paalala. “Delikado po iyan baka hindi tama ang tapak yung gulugod baka mabali. May barkada ako noon, malaki ang katawan kasi nagbabaras at nagji–gym nagpatapak sa likod, nagka–fracture sa likod at nakuba po siya…”

Public Domain Image

Ilan lamang ito sa mga lambing na ginagawa ng mga anak o apo. Ilan pa rito ang pagmasahe sa balikat, pagbunot ng puting buhok o uban, o kaya naman ay pangunguto. Kaysarap balikan, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…