Paborito mo rin ba ang mga pagkaing “putok–batok”?

  • Natakam ang netizens sa larawan ng lechong kawali sa isang Facebook page
  • Itinuturing itong “putok–batok” na pagkain
  • Ipinapayo naman ng mga espesyalista na bagama’t wala namang masama sa paglantak nito, subalit maghinay–hinay lamang

Ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, tiyak na marami sa atin ang nag–iisip na kung ano ang maaaring ihanda para sa Noche Buena. Hindi nawawala sa listahan ang masasarap na pagkain subalit tinaguriang “putok–batok”, tulad ng lechon.

Isa sa mga maaaring ihandang uri ng lechon sa hapag–kainan ang “lechong kawali”. Sino nga ba ang hindi maglalaway sa pagkaing hitsura pa lamang, tiyak na malutong at malinamnam?

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Kaya naman, natakam ang netizens sa larawan ng “putok–batok” na ibinahagi sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. Marami sa netizens ang nagbigay ng kanilang komento hinggil dito.

“Naku ang sarap naman. Kapag iyan ang kaharap, galit–galit muna! Saka mas sasarap pa iyan kapag sinamahan ng napakalamig na soft drinks.”

“Pampabata iyan ah. Kailangan ready ang gamot mo for high bl0od pressure kapag kumain ka niyan, especially sa mga may edad na.”

“Wow… nakakapaglaway naman! Mas masarap iyan with sawsawang gravy, o kaya naman sukang maanghang na maraming bawang.”

“Bakit lahat ng masasarap na pagkain, bawal na sa seniors? It’s so unfair.”

Ang lechon kawali o kilala sa Ingles na crispy pork belly deep–fried ay iniluluto nang matagal sa kumukulong mantika, kaya naman talagang “putok batok” dahil mataas ang cholesterol nito. Mas masarap itong kainin lalo na’t may sawsawan, may kanin, at may kasama pang water spinach o kaya naman ay atsara.

Public Domain Image

Ipinapayo naman ng mga espesyalista na bagama’t wala namang masama sa paglantak nito, tiyaking maghinay–hinay lamang. Tandaan, lahat ng labis o sobra ay nakasasama sa kalusugan. Ayon nga kay Doc Willie Ong, ang labis ng pagkain ay nagdudulot ng masamang epekto dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito.

Makabubuting samahan ng masustansyang gulay o prutas ang pagkain nito upang mabalanse ang inyong diet.

Loading…