Pacquiao ga-graduate na sa college, planong kumuha ng masteral class sa Harvard University sa Amerika

  • Senator Manny Pacquiao nakatakdang magtapos sa kolehiyo sa December 11, 2019
  • Natapos ng senador ang kursong Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration sa University of Makati
  • Pagkatapos ng kolehiyo ay balak ni Sen. Pacquiao na kumuha ng masteral class sa Harvard University sa Amerika

Isa si Senator Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao sa mga aakyat sa entablado ng University of Makati upang tanggapin ang kaniyang diploma bilang katunayan na natapos niya ang kursong napili.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Sa Miyerkules, ika-11 ng Disyembre, nakatakda ang graduation ng tinaguriang “the fighting senator.”  Natapos niya ang kursong Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration.

Nauna nang isiniwalat ng senador ang nalalapit niyang pagtatapos sa isang panayam noong nakaraang linggo.

“Yes. Tuluy-tuloy ang pag-aaral ko.  2008 pa ako nag-enrol sa college. ‘Di ko agad natapos ang kurso. Malapit na malapit na. This month graduate na ako,” pahayag ni Pacquiao.

Magugunita na ibinahagi ni Sen. Pacquiao sa Twitter ang larawan ng kanyang ID sa University of Makati noong buwan ng Setyembre.

“Never stop learning because life never stops teaching,” caption niya sa kanyang Twitter post na mabilis na nag-viral.

Matatandaan din na noong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan, sinabi niya na nais niyang gawing requirement para sa lahat ng senate at presidential candidates na magkaroon ng college degree. Hindi pa niya noon ibinubunyag na siya mismo ay nag-aaral sa kolehiyo.

Imahe mula sa Twitter account ni Sen. Manny Pscquiao

Bago nag-aral sa University of Makati, si Sen. Pacquiao ay naka-enroll sa Notre Dame of Dadiangas University sa kursong Business Management na hindi niya nagawang tapusin.

Noong 2007 ay nakuha niya ang kanyang high school diploma matapos makapasa sa Accreditation and Equivalency test sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education.

Matapos na makuha ang college degree, nais ng senador na kumuha ng masteral class sa Harvard University sa Cambridge, Massachusets sa United States of America.

“There’s so much knowledge that are given to mankind. That is our responsibility to know. Kaya tayo nag-aaral,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao
Source :

Abante, ABS-CBN

Loading…