Pagkaing Pinoy: Mga perfect combination para sa “lugaw”

  • Natakam ang netizens sa larawan ng lugaw sa isang Facebook page
  • Napag–usapan ang “perfect combination” para dito
  • Ito ay ang tokwa’t baboy, nilagang itlog ng manok, isaw ng manok at baboy, lumpiang toge, at tokneneng o kwek–kwek

Tuwing umuulan at malamig ang panahon, isa sa mga pagkaing Pinoy na hinahanap–hanap at hindi kailanman malalaos ay ang lugaw. Ito ay isa mga lutong bigas na nilagyan ng sabaw, pampalasa, at karne tulad ng baboy, lamanloob o isaw, o kaya’y manok. Nakadaragdag pa sa malinamnam na lasa nito ang pinigaang kalamansi.

Kaya naman natakam ang netizens sa larawan ng lugaw na makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila“. Ano–ano nga ba ang mga perfect combination sa lugaw upang mas maging magana pa ang pagkain nito? Kaniya–kaniyang bigay naman ang netizens.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Iyan ang lagi naming kinakaing magbarkada noong College… tokwa’t baboy tapos hingi ng extra calamansi. Solve na 20 pesos may soft drinks ka pa.

“Namiss ko kumain niyan. Mas masarap iyan kapag may lumpiang toge na isasawsaw sa maanghang na suka. Solve na solve na ang kainan!”

“For me, perfect combination at hindi dapat mawala ang nilagang itlog ng manok tapos budburan ng kaunting chicharon. Sarap kainin niyan lalo na kapag umuulan.”

“Masarap kainin iyan with inihaw na isaw ng manok o kaya baboy. Syempre, hindi dapat mawala ang talagang partner niyan, ang tokwa at baboy.”

“Kwek–kwek o tokneneng ang masarap na ipareha diyan, tapos samahan pa ng malamig na soft drinks. Ewan ko ba, pero ang sarap kumain niyan sa mga karinderya o karihan sa loob ng palengke. Iba ang eating experience hehe.”

Batay sa mga tinuran ng netizens, ang mga nangibabaw na perfect combination para sa lugaw ay ang tokwa’t baboy, nilagang itlog ng manok, isaw ng manok at baboy, lumpiang toge, at tokneneng o kwek–kwek.

Tinatawag na “goto” ang lugaw kapag karne o lamanl0ob ng baboy ang sahog nito at arroz caldo naman kapag karne o mga bahagi ng manok.

Public Domain Image

Ikaw, ano sa palagay mo ang perfect combination para sa lugaw?

Source :

Facebook

Loading…