Paglalagay ng belo sa ulo, ginagawa pa ba ng mga babaeng Katoliko?

  • Pinag–usapan ng netizens ang larawan ng mga babaeng may suot na belo sa ulo
  • Nagkomento ang netizens na dapat daw ay maipanumbalik ito
  • Ang belo ay simbolo ng pagpapasakop sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos

Isa sa mga makalumang gawain ng mga babaeng Katoliko ang paglalagay ng belo sa ulo sa tuwing nagsisimba. Sa kasalukuyan, may gumagawa pa ba nito?

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Roger Celestino” ang larawan ng mga babaeng nakabelo habang nagsisimba, sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ayon sa caption ng kaniyang Facebook post: “BELO(veil) noon nakabelo ang kababaihan kapag nagsisimba… isang kagalang–galang na tradition ng Filipina.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng komento ang netizens pahinggil sa mga larawan.

“Ang alam kong pagrespeto sa simbahan, hindi sa panlabas na anyo. Present yourself as a living sacrifice holy and acceptable to Him. Hindi ko naman nilalahat, pero karamihan puro nasa anyo lang ng kabanalan kapag nasa simbahan pero kapag nasa bahay o labas na, iba na ang pag–uugali.”

“Though not all the time, but we have a moment that we are using veils during the mass po…”

“VEIL. Isang bagay na ‘must have’ sa handbag ng kababaihan noon. It really needed to be worn back. This is an order from the Blessed Virgin Mary during one of her apparitions. Wear it with respect and modesty… the communion is given to us by our priest into our mouth while all are kneeling by the altar …never on hand…”

“Noon, naaalala ko pa, kapag mangungumunyon at walang belo yung mga manang sa simbahan, manghihiram pa ng belo at ilalagay s ulong mangungumunyon.”

“It’s not only the tradition of Filipina but a tradition of the Holy Roman Catholic Church na tuluyang kinalimutan after Vatican II approved the New Mass. But still, if you attend Latin Mass or Traditional Mass you will find most females wearing the belo kahit sa ibang bansa.”

Ang pagsusuot o paglalagay ng belo sa ulo ay simbolo ng pagpapasakop sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos at ang “pagkakaayos sa istruktura ng simbahan”. Ang belo ng isang babae ay ginamit upang ilarawan ang tamang ayos, pamumuno, at awtoridad ng Diyos.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Sa kasalukuyan, hindi na pinapansin o pinupuna ang pagsusuot ng belo ng kababaihan bilang tanda ng pagpapasakop. Sa mga modernong lipunan, ang mga bandana, belo o sumbrero ay mga palamuti na lamang at walang ibang ibig sabihin.

Ang babae sa ngayon ay maaari pa ring magsuot ng belo bilang tanda ng kanyang pagpapasakop sa kanyang asawa. Gayunman, ito ay personal na desisyon at hindi tanda ng pagiging ispiritwal. Ang tunay na isyu ay ang nilalaman ng puso sa pagsunod at pagpapasakop sa awtoridad. Ang Diyos ay ‘di hamak na tumitingin sa nilalaman ng ating pus0 kaysa sa belo sa ating ulo.

Loading…