Pagpapadala ng mga skilled workers sa ibang bansa lilimitahan ng pamahalaan

  • Deployment ng skilled workers sa ibang bansa posibleng limitahan ng gobyerno
  • Ang construction, energy at aerospace industries ang planong lagyan ng deployment restrictions
  • Ang planong deployment restrictions ay para maibsan ang kakulangan ng skilled workers sa bansa

Planong limitahan ng pamahalaan ang pagpapadala sa ibang bansa ng mga manggagawa mula sa ilang propesyon upang maibsan ang kakulangan ng skilled workers sa Pilipinas.

Imahe mula sa DOLE

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinisilip na lagyan ng restriksyon ang pagpapadala sa ibang bansa ng mga manggagawa mula sa energy at aerospace industries dahil maaaring kailanganin ng mga lokal na kumpanya ang kanilang serbisyo.

Sinabi ng director ng Bureau of Local Employment ng DOLE na si Dominique R. Tutay na nagsasagawa na ang ahensya ng isang imbentaryo sa bilang ng mga manggagawa sa dalawang nabanggit na industriya upang alamin kung kinakailangang magpatupad ng deployment restrictions.

“We want to limit the deployment outside the country of workers under the energy sector, specifically petrochemists and also computer numeric controlled machinists, which are related to the aerospace sector,” ani Tutay.

Ito umano ay bilang karagdagan sa deployment restriction na pinaplano ring ipatupad para sa construction industry, na sa ngayon ay nangangailangan ng mga karagdagang manggagawa dahil sa napakaraming proyektong ginagawa ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Nagsusumikap ang gobyerno na matugunan ang kakulangan sa local construction workers sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority at sa Department of Trade Industry sa pagbuo ng 2030 construction road map.

Imahe mula sa Yahoo News

“We are now in the action planning stage, and we have already identified priority programs for the construction sector,” ayon sa labor official.

Nauna nang sinabi ng Bureau of Local Employment na batay sa kanilang pagtataya, ang local construction industry ay nangangailangan ng karagadagang 200,000 workers para sa sari-saring proyekto, subalit sa estimate ng private sector, nasa isang milyong construction workers ang kailangan ng industriya.

Loading…