Pagsisikap ng lalaki para sa pamilyang kumupkop sa kaniya, pinag-uusapan online

Imahe mula sa Facebook | Jayvee Badile II
  • Napahanga ang netizens sa kuwento ng isang lalaki na kinupkop ng kaniyang kinikilalang mga magulang
  • Malaki na kasi ang pagbabago sa buhay nila noon at ngayon
  • Laki sa hirap si Jayvee Badile at ngayon na umasenso na ay sinusuklian niya ang pagkupkop sa kaniya ng mga kinilala niyang magulang

Labis ang paghanga ng netizens sa isang lalaki na nagbahagi ng larawan na nagpapakita ng pagbabago sa buhay ng pamilyang kumupkop sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook | Jayvee Badile

Pinag-uusapan ngayon sa Facebook si Jayvee Badile na nag-post ng throwback photo nila ng mga magulang na umampon sa kaniya.

“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter,” sabi niya sa post.

Ngayon na nakaluwag-luwag na ay gusto niya raw siguraduhin na mabibigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. “Now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine,” dagdag ni Jayvee.

Makikita sa mga larawan na ipinost niya ang buhay nila noon at ngayon, kung saan nadadala na niya sa iba’t ibang lugar ang kaniyang mga magulang.

Sa isang video na ini-upload ni Jayvee noong Nobyembre, sinabi niyang 28 na taon siyang namulat sa hirap kasama ang siyam na miyembro ng kanilang pamilya. Nakatira raw sila sa isang paupahang bahay sa Bocaue, Bulacan.

“Ang aming tahanan ay larawan ng kahirapan; larawan ng pamilyang nagsisikap na makamtan ang pangarap,” sabi niya.

Sa ngayon ay may mahigit 70k reactions at 26k shares na ang post ni Jayvee at marami ang humanga sa kaniyang diskarte at pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang mga magulang.

Imahe mula sa Facebook | Jayvee Badile

Sabi ng isang netizen, “How I wish may parents pa ako para magawa ko din sila i-tour sa ibang lugar at maiparamdam pagmamahal ko sa kanila. Nawala sila nang maaga. So happy for you, Sir, may magulang ka pa.”

Si R. Vidal naman, sinabing sigurado siyang napapangiti ni Jayvee ang Maykapal dahil sa ginagawa niya para sa kaniyang mga magulang.”You are truly an inspiration, Jayvee! I thank God you were born in my lifetime! Happy New Year!”

Si A. Ibanez naman na adopted din, na-inspire daw sa ginagawa ni Jayvee. “Nakaka-inspire. Just like him, I am adopted. Grateful to have foster parents who loved me like their real daughter too. Thank you for sharing this. God bless!”

Tunay ngang kahanga-hanga ang pagsisikap at pagtanaw ni Jayvee sa kaniyang pinanggalingan.

Paano niya ito nakamit? Well, ask Jayvee and be inspired!

Loading…