Palakasan na lang ng videoke at kalampag ng kaldero: “Oplan Iwas Paputok” campaign ng DOH paiigtingin

  • Oplan Iwas Paput0k campaign ng DOH paiigtingin
  • Sinabi ni DOH Sec. Duque na ang ilegal at legal na firecrackers ay parehong nakapambibiktima
  • Ang payo ng DOH ay gumamit ng alternatibong noisemakers sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon

Opisyal nang inilunsad ng Department of Health (DOH) sa Dagupan City ang kampanya nitong “Oplan Iwas Paput0k” nitong Huwebes, ika-12 ng Disyembre, sa layuning mabawasan ang insidenteng kaugnay ng mga paput0k ngayong holiday season.

Imahe mula sa DOH

Ipinahayag ni DOH Secretary Francisco Duque, III na nais ng “Oplan Iwas Paput0k” na muling itaas ang awareness ng publiko sa hindi magandang epekto ng mga firecrackers at fireworks sa buhay at ari-arian, at upang hikayatin ang lahat na gumamit ng alternatibong noisemakers upang maiwasan ang mga sakuna.

“Sa pamamagitan ng kampanya, nais ng DOH maimulat muli ang mga Pilipino sa masasamang dulot ng paggamit ng paput0k lalo na sa mga kabataan. Layon din ng kampanya na walang masasaktan o maaksidente sa paggamit ng paput0k at magkaroon ng pagdidiriwang ng isang ligtas at masayang Pasko at Bagong Taon, sabi ni Sec. Duque.

Tututukan ng DOH ang mga bata – edad 5 hanggang 14 na taong gulang – na silang kadalasang nabibiktima ng mga paput0k. Target ng ahensya para sa taong ito ang “zero casualties” sa mga inisdenteng kaugnay ng mga firecrackers at fireworks.

Nanawagan si Sec. Duque sa mga magulang at mga caregivers na bantayan ang mga bata dahil sa hanay nila ang may pinakamaraming biktima ng paput0k noong nakaraang taon.

Imahe mula sa DOH

“Youth aged five to 14 years have the highest number of cases of firecracker-related injuries,” anang health secretary.

Paalala ng kalihim, hindi lang mga ilegal na paput0k, kundi maging ang mga legal ay nakapambibiktima rin.

Maaari naman umanong makisaya sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon sa pamamagitan ng paggamit ng ibang paraan para makapag-ingay.

“Ipagdiwang natin ang Pasko at Bagong Taon ng ligtas sa pamamagitan ng  pagkalampag ng mga kalan at balde, magsagawa ng street dancing, palakasan ng volume ng videoke, magsagawa ng mga parada at lantern contest,  at makiisa sa community sa fireworks display,” ani Sec. Duque.

Imahe mula sa Filipino Times

Hangad natin ang kaligtasan ng lahat kaya’t tayo po sana ay makiisa sa kampanyang ito.

Source :

PIA, Remate

Loading…