Pamahalaan aangkat ng galunggong sa China at Vietnam, importasyon tinutulan ng isang grupo

  • Nakatakdang mag-angkat ng 45,000 toneladang galunggong ang bansa mula sa China at Vietnam
  • Layon ng importasyon na punan ang kakulangan ng suplay ng galunggong at maibaba ang presyo nito
  • Tumututol ang grupong Pamalakaya sa planong importasyon ng isda

Sumirit ang presyo ng galunggong, ang tinaguriang isda ng masa, sa P360 kada kilo sa iba’t ibang pamilihan dahil sa kakulangan ng suplay nito.

Imahe mula sa Food Evolution

Isa sa mga itinuturong dahilan ng limitadong suplay ng galunggong ay ang bagy0ng Tisoy na nakaapekto sa mga mangingisda. Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona na dahil sa lakas ng mga alon ay hindi makapalaot ang mga mangingisda sa karagatan.

“Limitado lumabas ‘yung mangingisda kasi malakas ang alon,” ani Gongona.

Ang isa pang dahilan ng shortage ng suplay ng galunggong ay ang umiiral na fishing ban sa Palawan na sa katapusan pa ng Enero ng 2020 matatapos para palakihin at paramihin ang mga isda roon. Sinasabing 90% ng mga galunggong sa Pilipinas ay sa Palawan nanggagaling.

Ipinahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na upang mapunan ang kakulangan ng galunggong at maibaba ang presyo nito, ang bansa ay mag-aangkat ng hanggang 100 tonelada ng galunggong mula sa China at Vietnam, ngunit sa kasalukuyan ay 45 tonelada pa lang ang naaprubahan.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Nagpahayag ng pagtutol ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya sa planong importasyon ng galunggong. Malaki umano ang posibilidad na sa West Philippine Sea rin kinukuha ng China ang mga galunggong.

Wala rin daw kasiguraduhan na bababa ang presyo kapag pumasok na ang mga imported na galunggong.

“Mayroong nagmomonopolyo niyan at sila ang nakatatakda kung magkano ang presyo ng bentahan nila ng isda,” sabi ni Fernando Hicap, chairperson ng Pamalakaya.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Nagbabala rin ang grupo na may halong kemikal ang mga imported na isda upang mas matagal na mapanatili ang pagiging sariwa niyon.

Nangako naman ang BFAR na sisiguruhing ligtas kainin ang mga isda bago iyon ibenta sa mga lokal na pamilihan.

Source :

RMN, DWIZ

Loading…