Pambalot ng lumpia, ginawang “skin care facial mask” ng isang netizen

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang babae na ginawang skin care facial mask ang pambalot ng lumpia
  • Ang pambalot ng lumpia ay gawa sa harina
  • Nagkomento ang mga netizens hinggil dito

Hindi nawawala sa hapag kainan ng mga Pilipino tuwing Noche Buena, Media Noche, kaarawan, at iba pang mga pagtitipon ang lumpia. Mapa–shanghai man iyan o sariwa, talaga namang patok sa panlasa ng lahat. Ang iba, nilalagyan pa ng twist tulad ng keso o kaya’y siling maanghang.

Kaya naman, kinatuwaan ng isang netizen na nagngangalang “Daniela” na gawing “skin care mask” ang pambalot ng lumpia.

Makikita sa kaniyang Facebook post noong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2019, na habang nagbabalot sila ng lumpia bilang paghahanda sa Noche Buena, pinagkatuwaan niyang ilagay sa mukha ang isang malaking piraso ng pambalot ng lumpia.

Ayon sa caption, “Wala akong pang–skin care kaya ito na lang muna.”

Imahe mula sa Facebook account ni Daniela Leyte

Tawang–tawa at “benta” naman ito sa mga netizens. Sino nga ba ang makaiisip na gawing skin care facial mask ang pambalot ng lumpia? Sabi ng isang netizen, “Ang witty ni Ate no? Hahaha. Pampagood vibes. Why not? Baka mamaya, mukha ni Ate ang mailagay sa lumpia.”

Turan naman ng isa, “Puwede pala iyan? Magawa nga!” Komento naman ng isa pa, “Good vibes naman nito. Pero nakakatakot kasi baka mamaya baka magkatigyawat ka Ate. Bili ka na lang ng facial mask sa Korean store, mura lang naman.”

Ang pambalot ng lumpia ay gawa sa harina, na ginagamit din sa paggawa ng turon, isang minatamis at piniritong saging sa pamamagitan ng mantika at asukal na pula. Isa sa mga impluwensiya ng mga Tsino pagdating sa pagkain ang lumpia, kagaya rin ng pansit, siopao, siomai, at marami pang iba.

Samantala, ang skin care facial mask ay ginagamit naman upang makapagpaputi, makapagpanatili, o makapag–refresh ng mukha, lalo na tuwing gabi, habang natutulog. Kalimitang gumagamit nito ang mga babae, subalit maaari din naman ang mga lalaki.

Public Domain Image

Loading…