Pampelikulang linyahan ng isang mister para sa kaniyang misis, kinakiligan ng mga netizens

  • Kinakiligan ng mga social media users ang realisasyon ng isang mister habang nakasandig sa kaniyang balikat ang kaniyang misis
  • Nanariwa sa alaala ng mister ang mga panahong walang–wala siya, subalit nariyan lamang sa kaniyang tabi ang dating kasintahan na ngayon ay misis na niya
  • “I had her at my worst and I still have her at my best” ang huling pahayag na sinabi ng mister na para bang pampelikulang linyahan

Sabi nga, ang tunay na nagmamahal sa atin ay ang mga taong nariyan sa ating tabi “at our best” at hindi tayo iiwan “at our worst”.

Tulad na lamang ng realisasyon ng isang propesor na si Rodrigo Abenes na ibinahagi niya sa social media na talaga namang kinakiligan ng mga netizen.

Batay sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 20, 2019, lulan sila ng isang bus patungong Batangas upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.

Imahe mula sa Facebook account ni Rodrigo Abenes

Sumandal daw ang kaniyang asawa sa kaniyang balikat at binulungan siyang namiss raw niya ang pagbiyaheng kasama niya. Makikita sa larawan na tila mahimbing na natutulog ang misis at sinamantala naman ito ng mister upang mag–selfie.

“While traveling going to Batangas via public utility bus after our anniversary celebration, my wife leaned on my shoulder and told me Pa, namiss ko to! I told her Oo nga no, wala pa kasi tayong sasakyan noon.”

Nanumbalik sa alaala ng netizen ang mga panahong magkasintahan pa lamang sila ng kaniyang misis. Bata pa lamang siya noon, bagong graduate, wala pa masyadong naipupundar at ipon sa bangko, at ang tanging bitbit ay ang pangarap na maging “academic philospoher”. Sa kabila nito, sinuportahan daw siya ng kaniyang misis. Binitiwan niya ang isang pahayag na halaw sa sikat na linya ni John Lloyd Cruz sa pelikulang “One More Chance” katambal si Bea Alonzo.

“Then suddenly I remember the days that we were just steady. I was a young financially broke and struggling graduate student then who have nothing but just a dream of becoming an academic philosopher. But despite of this, she had loved and supported me all out. I had her at my worst and I still have her at my best.”

Public Domain Image

Kinilig naman ang mga netizens at hindi nila napigilang magkomento sa pahayag na ito ng propesor. Sabi ng isa, “The last sentence was the best! Congrats po!”

Turan naman ng isa, “So sweet… tama ‘yan sir. Be in love with one another always… God bless your relationship.”

Relationship goals, hindi ba? Ang pagmamahal ay hindi lamang sa panahon ng kasaganaan, kundi maging sa mga panahon ng pagsubok.

Source :

Facebook

Loading…